Seen-zoned (One-Shot)
Crush.
Sabi nila, hindi daw buo ang highschool life 'pag wala kang crush. Pag nagka-crush ka kasi, mararanasan mo yung kakaibang kilig. Napapasaya ka. Pag wala ka naman daw crush, abnormal ka daw.
Sabi ko naman, bakit niyo ba minamadali ang mga sarili niyo? Ang crush kasi kasunod ay love. Pagkatapos kiligin, iiyak-iyak. Kaya maraming bitter, e! Kairita.
One time, pinagsabihan ko si Trina, kaibigan ko. Rinding-rindi kasi ako sakanya. Walang ibang bukambibig kundi 'yung crush niyang si Alvin.
"Ano ba, Trina! Bakit kung makapagsalita ka tungkol sa kanya eh parang mahal na mahal mo siya? Kulang na lang sambahin mo 'eh! Crush lang 'yan. Paghanga, 'teh, paghanga! Wag mong gawing big deal!" Ganyan talaga ako. Prangka. Hindi ko mapigilan yung bibig ko. Pag may gusto akong sabihin, sasabihin ko talaga. Kaya nga si Trina lang ang nakakatagal sakin eh, mabait siya at inosente. Ayoko sa iba, mga backstabber e.
"Haaay, my dearest Sharmiel, sorry na. Di ko mapigilan eh. Darating rin ang araw, mararanasan mo 'yun. Hindi man ngayon, pero time will come you will experience this sappy things. It's inevitable. Magugulat ka na lang isang araw, may gusto ka na sa isang tao, whether you like it or not." Pangaral sakin ni Trina. Ano daw? Ang corny. I gave her a funny look like saying 'WTF-Ikaw-Ba-Yan-Shet-Ang-Corny-Mo-Ulol'. Ganito ba nagagawa ng pagkagusto sa isang tao? Kadiri. Kaya ayaw ko sa drama eh.
"You look like the protagonists in a chick flick. Asa namang magka-crush ako. At kung magkaka-crush man ako, hindi ako magiging katulad mo na parang uod na nilagyan ng asin pag nakita o nakausap 'yung crush mo. Yak."
She gave me a knowing look and a meaningful smile. "Okay. Sabi mo 'eh."
Pero shemay, feeling ko natalo ako doon sa usapang iyon nang makilala ko siya.
Intrams.
Basketball game. Andito kami ngayon sa covered court ng aming campus. Dito kasi gaganapin ang laban. Katatapos lang ng opening at magsisimula na ang game.
Someone in the court whistled and they started the game. Nakakabinging hiyawan. Ugh, I shouldn't be here. Si Trina lang naman kasi ang may interes panoorin ito. Pano kasi, varsity player ang crush nyang si Alvin.
Napatingin ako nung tumili ang mga kaklase kong babae. "Wooohh! Go number 21! Go Vincent Samañego!"
Teka, wala namang Vincent Samañego sa team, ah? Kilala ko ang lahat ng varsity at hindi pamilyar ang pangalan na iyon. Tiningnan ko ang no. 21 na sinasabi nila. Huwaaat? Kalaban 'yun eh! Bakit iyon ang chini-cheer nila?
"Hoy bakit 'yon ang chini-cheer niyo? Yung sa atin ang i-cheer niyo aba!" I said to my girl classmates.
Faye rolled her eyes. "Sorry na, kalma! Crush namin e, gwapo kasi siya, tignan mo."
Now it's my turn to roll my eyes. "Seriously?"
I glimpse at him. My eyes landed on him and woah. That serious handsome face is really something. Now I get it why they are going gaga over him. That toned muscles especially the biceps are flaunting. My jaw dropped when he ran his fingers over his sexy hair. It was a beautiful sexy scene. It's like everything is in slow motion. Nervousness and anticipation spread allover my body. I can't believe I'm attracted to somebody for the first time. Napahawak ako ng mahigpit sa leggings ko and I can feel my lower lips hurting because of biting it. I ran out of breath and habol-habol ko ang hininga ko. Para akong tumakbo pero hindi naman. Ito na ba 'yun? Tinamaan na ba ako ni Cupid? Nakngtucha. Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Kadiri.
I looked at him again, this time, more focused. Nasa kanya na ang bola and shucks, 3 points! Ang galing! Bakit parang nadagdag ang list of ideal type ko na kailangan sporty?