Cristela Mejica
2017Napakalakas ng tibok ng dibdib
Damdamin baga'y hindi maisarili
Ginamit ang wika upang bansa'y di pakubli
Ipinaglaban natin hanggang sa huli
Sa pagmamahal sa bayan ay sinakripisyo ang lahat
Kagila-gilalas, mapa-sulat, mapa-salita, o sa laban ay tunay na marahas
Bagama't di naman lagi, ang puso ay parehas pa rin ng binibigkasKasabay ng pagtibay ng loob
Sa wakas dayuhan ay tumigil na sa paglusob
Mga mananakop ay ipinataob
Sa wakas ay naghilam ang puso ng Inang bansang marudbdob
Ang puso'y malakas ang tibok
Pagkat saya'y abot hanggang tuktok
At dahil sa kalayaang tinamasa
Wika'y napaunlad at syang ginagamit ng masaNagdaan ang maraming taon
Umusbong ang bagong henerasyon
Napakarami ang nabago mula sa teknolohiya hanggang komunikasyon
Ang puso'y humihina na ang tibok
Sinasambit ngayo'y di na purong Tagalog
Oo't umuunlad nga subalit ang nakaraa'y tila nabalewala
Matagal na ang impluwensya ng iba ngunit ngayo'y mas tinanggapAng puso'y pahina ng pahina ang tibok
Bakit ngayon pa sa dami ng dinaanang pagsubok?
Huwag nating kalilimutan kailanman
Pagkat itong wikang Filipino ang dahilan
Na tayo'y kinikilala bilang mamayan
Ng Pilipinas, ang Perlas ng Silanganan
Huwag nating hayaan mawala ang tibok
Na alay para sa pambansang wika at Inang bayan
Naniniwala ako na wikang Filipino, ang tatak ng pagka Pilipino, ay walang hanggan.
![](https://img.wattpad.com/cover/142078161-288-k231243.jpg)