Chapter 4:

433 24 0
                                    


*Silver's POV*

Hinila ko si Winter papaalis at nagtago kami sa old room ng school.. Ang tagal naming tahimik at syempre, Speechless ako... Di ako sanay kasama siya eh... At sa wakas nakalipas ang ilang minuto nagsalita din siya!

"Bakit mo ako tinulungan?" Tanong niya habang nakatalikod sakin na nakaupo sa sahig.

"Paiyak ka na.. Nakakahiya.. At bakit ka kasi lumuhod?!" Tumayo
ako bigla habang nakatingin sa kanya, habang siya na talikod pa din sakin...

"Ano pa ba ang magagawa ko? pumunta at pinrotektahan ako dun nina Devine at Miranda.. Ayoko lang ng Drama!" Sagot niya..

Alam kong, hindi dahil ayaw niya ng drama.. May ibang dahilan yun, alam ko..

"Sinungaling! Wag ka na magsinungaling! Sabihin mo na yung totoo..." Sabi ko..

"Yun nga!" Sagot niya.

"Ano nga ba?! Sabihin mo na kasi!" Pagpupumilit ko.

"Wala nga! Ayoko nga ng drama" sagot niya.

"Umayos ka! Sabihin mo ano nga?" Tanong ko..

"AYOKO NA NG MAY MADAMAY, OKAY? Ayoko ng may mapapahamak dahil sa kabaliwan kong ginawa! Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, pero ayoko idamay at masali sa gulo yung mga tipo ng tao na nakakaintindi sayo, na habang ikaw na umaarte na masungit at galit sa kanila, kahit alam ko na ang totoo!" Sagot niya habang tumayo ng biglaan..

Nagulat ako, kasi first time ko siya nakitang, Emosyonal..

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko mukha niya, naaawa lang ha! Walang Malisya! Wag kang GM! =_="

"Umiyak ka na... Walang masama, okay? Di kita pagtatawanan.. Iiyak mo nalang.. Wag ka nang magpigil!" Sabi ko pang-kalma..

Natahimik siya, at bibiruin ko pa lamang siya na bigla na siyang umiyak... ANG CUTE! Hell what?

"Sorry... Im really Sorry, on what I did... Sorry if I'm so mean and cold towards everyone.. Its fine if you won't forgive me, but Im really sorry... I know that I've been so rude to all of you.. But I hope you understand, I just...Im just..."

Hindi na niya napigilang umiyak,at itinakip nalang niya yung mukha niya habang nag-hahagulgol...

Niyakap ko siya at napayakap nalang din siya.. Naaawa ako, Kung napansin ko lang sa kanya nung una pa na may pinagdadaanan toh...

Nakita ko yung mga luha niya na pumapatak sa may balikat ko, nakita ko yung expression niya na ibang iba sa matapang na Winter na naging malungkot na Winter...

Winter? Bakit nga pala, Winter name niya? Sa kadami-dami ng pwedeng ipangalan,Winter pa?

"Crying-baby..." Sabi ko, sabay tingin siya sakin.



Nang tumingin siya sakin, ibang-iba na yung itsura niya.

Dati nakakainis pero ngayon, nakakaawa... Iyakin pala toh?!

"Shut up..." Kunot niya.

Yan tayo eh! Balik nanaman siya sa lumang siya.

"Hah?! Parang kanina, iyak ka ng iyak.. Tapos ngayon nagsusungit ka nanaman? Lakas ng trip mo noh?"

"Bakit? May problema ka, ha?" Sabay taas niya ng kilay, taray talaga nito!
 

"Wala! " sagot ko.

Nagkatinginan lang kaming dalawa atsaka nagkatalikuran...

"Uhm!" Sabay na sabi namin..

"Ganito kasi..." Sabay nanaman kami.

Highschool of War (Clash of Highschoolers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon