FOR THE FIRST TIME
CHAPTER 01 : First day ko mamshArt Lawrence Buenavista
Mich Andrea CrizzGenre : Comedy Drama
Written by HenRex
Collaboration: Dj Chawot
--------MICH POV
Late na ba ako? Parang na late na ako? Haist! Sana naman hindi pa kasi ito ang unang araw ko sa Elite Academy School. Shems! Excited na ako kagabi pa lang noong ihanda ko na ang mga gamit ko.
Nasa kanto ako ngayon. Nag aabang ng jeep na masasakyan papasok. Kanina pa ako naghihintay dito, may dumadating na jeep ang kaso naman siksikan. Gosh! Ayuko ko naman na isang pisngi lang ng puwet ko yung makakasakay.
Apaka mess naman non.
Ika nga nila. Matutong maghintay at huwag na ipagsisiksikan ang sarili kung alam mong may dadating naman na iba.
Naghahand gesture pa ako para dama.
Oh dibwaa?! Charot!
Ako nga pala si Mich Andrea Crizz, ganda ng pangalan ko diba? Ano? Inggit nanaman kayo diyan. Sinabi ko nga kanina na first day of school ko ito. Hindi ko alam kung ano ang sistema doon pero looking forward to it!
Nangingiti pa ako dahil excited na talaga ako.
Nang maya-maya lang ay bumalik na ako sa ulirat matapos kong matanto na may jeep muli na dumaan. Kaya agad ko yung hinabol para sumigaw.
Sandali!!! As in para kuya para.
Tinginan sila sa akin. Magash! Ganun ba ako kaganda? Tsss. Alam ko naman po yun. Tas biglang tumigil nga yung jeep mukhang tinulungan ako nong mga kapwa ko passengers na sabihing student ako na kailangan ng sumakay.
Salamat mga kapwa!
Agad agad naman ako pumasok at naupo. Oh diba? Medyo maluwag. Kaya naman pagkaupo ko doon. Nagpasak muna ako ng earphone sa tainga ko atsaka nagdudutdot sa phone ko na Nokia tas dipindot. Nakarinig nga ako ng tampulan na ang poor ko naman daw kasi marami ng sikat na model ngayon ng cellphone tas ganto yung sa akin?
Tsk! Gumagana pa naman ah?
Diko na lang sila pinapansin. Kunwari nasa music video ako na nakalapag yung balikat ko sa bakal ng jeep, nakatingin sa labas, bunaghag yung buhok, at nagsesente pa.
🎶 I don't wanna close my eyes, I don't wanna fall asleep cause I miss you babe 🎶
Kumakanta pa nga ako. Atsaka ko na kinuha yung wallet ko para magbayad sa jeep. Mag 123 sana ako ih, kaso daming nakatingin. Charot!
“Manong bayad po! Samay Elite Academy sana.” Mabilis kong inabot yung bente pesos. Tumingin siya sa salamin na nasa harap niya Kasi nandoon ako sa harapan, kaya kitang kita niya ako habang nagmamaneho.
“Saan galing? ” tanong niya, tas bumilog naman ang mga mata ko. “ Sa bulsa ko po. ”
Ngumiti siya. “ Hindi, ang tanong ko saan ka sumakay? ”
“Sa jeep mo po?” Natatawa ko naman na sabi.
*bumubulong*
“Pilosopo tong batang to ah? Mabigyan nga ng kulang na sukli. Hehe.”Oh!
Nanlaki yung mga mata ko nong iabot na niya sa akin yung sukli nong ibinayad ko.
Shems!
“Manong bakit kulang yung sukli? Magkano po ba ang Elite Academy? Grabe naman po kayo! Asan ang humanity doon?”
Siyempre churva ko lang yun.

BINABASA MO ANG
FOR THE FIRST TIME • COMPLETED
RomanceSi Mich yung dalagang napaka- energetic sa buhay, punong puno siya ng mga positivity sa katawan, at puro pagpapatawa. Sa kabilang banda bully at badboy naman kung tatawagin ang binatang si Art. Isang malaking rayot ang unang pagtatagpo nila Mich And...