CHAPTER 04 : Tatanggapin ko nalang

17 3 0
                                    

FOR THE FIRST TIME
CHAPTER 04 : Tatanggapin ko nalang

Art Lawrence Buenavista
Mich Andrea Crizz

Genre : Comedy Drama
Written by HenRex
Collaboration: Dj Chawot

_________________________

MICH POV

“Huwag ka na umiyak, panget mo!” Habol niyang salita nong agawin ko naman yung kamay ko sa pagkakahawak niya at tinignan ko siya ng masama.

“Bakit ba?” tanong niya.

Tsk!

“Ganyan ka ba talaga? Lahat dinadaan mo sa pang-aasar mo?”

Napakunot noo siya sabay pamewang.

“Eh bakita ba?”

Sinubukan niya muli kunin yung kamay ko na mabilis ko namang iniwas.

“Yung Misty mo ang asarin mo! Huwag ako!”

Ang gaga mo talaga Mich Andrea Crizz, siguro dahil sa sobrang pagseselos at inis hindi ko na napigilan yung sarili ko na magsalita, kaya naman nakita ko siya na ngumiti at napakagat sa labi niya.

Sinubukan ko muli tumalikod pero pilit niya akong hinihila.

“Sabi ko na nga ba nakita mo yun! Bakit nagseselos ka ba?”

Eh ano kung nakita ko yun?

“P-puwede ba?!---”

Namumula siya sa galit.

“Anong pinagseselosan mo?” Ngumiti siya na nakakaloko.

“Tsk! Tandaan mo wala kang karapatan magselos dahil hindi kita girlfriend! HAHAHA! At hinding-hindi ako papatol sa katulad m----”

Hindi pa siya natatapos magsalita nakatanggap na siya ng malakas at lumalagapak na sampal mula sa akin. Napahawak siya sa pisngi niya atsaka siya natulala ng tingin sa akin.

Aware ba siya na nasasaktan ako? Bakit parang pinagtitripan niya parin ako.

Ang taas ng bilib niya sa sarili niya, tama! Bakit ko nga ba ginusto ang lalakeng may ugaling masama ang pakikitungo?

Tinalikuran ko siya atsaka na ako nagpatuloy sa paglalakad para makaalis lang at makalayo sa harapan ng fvcking shit guy na ito!

------

Maraming araw ang nagdaan nagbago yung pakikitungo ni Art sa akin, parang naging tuluyang mabait yata siya bigla para sa akin?
O ginagawa niya ito para suyuin ako at humingi siya ng tawad sa mga harsh na sinabi niya.

Binibigyan niya ako ng mga chocolate namay sticky note pa na may nakasulat na sorry at sad face.

Tsk! Ni-barnuts nga! Hindi mo ako maabutan noon?

Hmp!

  Yung mabangis na si Art naging parang puppy.

Ang cute niya, cute cute.

Ayt! Shemay ka! Tumigil ka nga Mich Andrea Crizz. Dahil sa karupukan mo, kaya tayo napapahamak eh. Tsk!

Saway ko sa sarili ko.

Tapos hindi nagtagal yung mga nakasulat doon  sa pa- sticky note niya ay puro greetings na like “Good morning, hello.” Ganun tapos titingin ako sa kanya sa tabi ko na bigla nalang niya ako haharapin, nakapatong yung isang kamay niya sa pisngi niya atsaka niya ako ngingitian.

FOR THE FIRST TIME • COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon