CHAPTER 02 : Mc Arthur ang peg?

8 2 0
                                    

FOR THE FIRST TIME
CHAPTER 02 : Mc Arthur ang peg?

Art Lawrence Buenavista
Mich Andrea Crizz

Genre : Comedy Drama
Written by HenRex
Collaboration: Dj Chawot
--------


MICH POV

“Hindi pa tayo tapos! I shall return!”

Tinalikuran niya ako atsaka na siya umalis.

“As in huh?! May pa ganun?”

“General Douglas MacArthur ikaw ba yan?”

Mc Arthur ang peg?

Mabilis akong tumayo nong umalis na siya. Pinagpagan yung sarili ko atsaka na ako kumilos para ipagpatuloy na hanapin yung classroom ko. Mabuti na lang sa huling pagkakataon may napagtanungan ako na teacher nga lang tapos inamin ko na transferee ako dito at doon sawakas makakapasok na ako.

Kaya naman pala! Building ng ibang year mga pinupuntahan ko. Nasa baba lang naman pala sa grandstand. Halata nga daw na transferee ako. I don't know if compliment yun o ano? Pero ayaw ko nalang magsalita.

Yung may mga bagong tayu daw at 4rth floor yung room ng 305, Class-B. Agad naman ako kumilos at wala ng sinayang pa na oras.

Nakangiti at joyful na inakyat yung mga hagdan at malayo palang natanaw ko na yung pinto. Badtrip nga lang kasi mukhang umpisa na ng klase kanina pa. Nasapok ko nalang yung noo ko.

Aish!

“Kung hindi kalang gumawa ng scandalo Mich Andrea Crizz! Hindi na sana ako nagsayang ng oras na magtagal pa sa office kasama ng masamang lalake na iyon! ”

Napahingang malalim na lang ako tapos nag-excuse me, bago pumasok.

“Good morning po!”

“Ah- Hi?” Bati naman ng babaeng teacher.

Tapos gaya ng inaasahan, lahat sila ngayon ay nakatingin sa akin, iniisip ko kung ano na bang panghuhusga natatanggap ko sa utak nila?

“Student po ako na bago, transferee.” Sambit ko atsaka naman ako tumitingin sa mukha nong mga classmate ko ngayon kung nakukuha ko ba sempatya nila.

”Okay?” Salita naman ni Ma'am na parang handang makinig.

Inilibot ko yung mga mata ko na tumanaw sa buong klase.

“Pasensya na po, sorry po kung sobrang late ako, actually po may lalake kasi akon----”

Atsaka ako natigilan.

Oh my goodness! Shems! Totoo ba ito? Napayukot yung mukha ko. Hindi ako nagkakamali sa hoodie na suot ng lalakeng nakaaway ko kanina.

Kahit nakaduko siya ngayon sa table niya na parang tinutulugan lang yung klase. Kilala ko yung ayos din ng buhok niya.

Si Mr MacArthur!

Ilang segundo ako natulala at natigilan nang ipitik ni Ma'am yung daliri niya at okay na daw atsaka ako sinabihan na magpakilala.

Nagpabalik balik yung mga tingin ko sa harap atsaka kay Ma'am tas huminga ako ng malalim. Habang nagsasalita ako, naghahanap na ako ng bakanteng upuan.

“ I am Mich Andrea Crizz, sana po maging kaibigan ko kayo! ”

Tsk! Napakurap kurap yung mga mata ko. Hindi ko inaasahan na mauutal ako at parang kinder magpakilala.

“Sige. Miss Crizz, have a seat.”

Nakangiting pinapaupo na ako ni Ma'am atsaka ako napahinay sa paglalakad noong pumunta ako sa duluhan. Nasa gitna kasi yung lalake na yun!

FOR THE FIRST TIME • COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon