NMBEW 1

5.4K 118 5
                                    

KREIAH'S POV:

"Mom," napahawak ako sa aking dibdib sa narinig. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito, lilingon ba ako sa kaniya?

Luluhod ba ako at sasabihin na sorry? Iiyak ba ako sa harapan niya dahil hindi ko nagawa ang ipinangako ko sa kaniya na magtatagal ang pamilya namin?

Hi-hindi...hindi ko alam ang ire-react ko. Nanghihina ang mga paa ko. Gusto ko na lang lumagapak sa sahig, o hindi kaya ay saksakin na lang ang sarili para matapos ang lahat.

"Mom," tawag na naman niya sa akin.

Naramdaman ko na lang ang isang mainit at hindi na ganon kaliit na kamay ng bata sa harapan ko. Dahan-dahan kong tiningnan ang anak kong si Zicko, nakatingin din ito sa akin nang malungkot.

Namumula na rin ang mata nito dahil sa iyak. Kaya biglang kumirot ang puso ko sa napansin, hindi ko kayang makita ang anak ko na ganito ang kalagayan. Gustuhin ko man na ibalik sa dati ang lahat, ngunit hindi na maaari pa. Napirmahan ko na.

"B-baby?" Medyo nauutal na tanong ko naman sa kaniya at lumuhod para magkapantayan kami. Hinawakan ko pa ang pisngi niya at madamdamin siyang pinagmamasdan.

Mas lalo itong naging malungkot, ramdam ko ang sakit mula sa mga mata niya na patuloy niyang tinatago.

"Hindi na ba babalik si Papa? Tuluyan na ba talagang masisira ang pamilya natin? Paano na ang lahat? Di ba ayos pa lang naman tayo nung isang araw? Bakit ganon? Bakit Mama?" Halata sa boses ang pagpupumilit na huwag magalit sa akin at sumigaw.

I know Zicko, he can't control himself when it comes from his anger. Ayaw niyang makagawa siya ng bagay na ikakasakit ng puso niya habang buhay.

All I can do right now is to smile. Hold his cheek tightly while massaging it. Ang kaliwa ko namang kamay ay hinawakan ang buhok niya habang sinusuklay ito gamit ang daliri.

"Son, maiintindihan mo rin ang lahat kung bakit niya iyon ginawa. May mga pagkakataon talaga na nangyayari ito, hindi naman lahat ng pamilya ay masaya. Siguro intindihin na lang natin si Papa, baka napapagod na rin siya na ipagpatuloy ang relasyon naming dalawa. Huwag kang mag-alala, dadalawin ka pa rin niya dahil hindi niya kayang iwan ang anak niya. Kaya smile ka na lang, okay? Hindi bagay sa anak kong gwapo ang malungkot." Pagpapakalma ko sa anak ko kahit na ang sarili ko ay hindi ko magawang pigilan ang sinisigaw nito.

"How about you? Paano kayo ni Papa? Hahayaan mo na lang ba siya na makuha ng iba? Hindi mo ba siya ipaglalaban?"

Napatigil naman ako sa narinig ko. Para siyang matanda kung magsalita, lahat ay patuwid. Wala siyang alinlangan na sabihin ang mga gustong ilabas ng bunganga niya.

Isang ngiti na naman ang itinugon ko. Nagpalabas pa ako ng hininga bago siya tapikin sa kaniyang balikat. "Dadalhin muna kita sa bahay ng lola mo, doon ka muna hanggat hindi pa ako nakakahanap ng trabaho. Gusto kong magawa at makuha mo ang mga pangarap mo. Kahit na wala na si Papa, andito naman si Mama para punan ang lahat ng kulang. Ayos lang ba iyon anak?"

Dahan-dahan naman siyang tumango at hindi ko inaasahan na mangyayari rin iyon. Naramdaman ko na lang ang mainit na mga bisig niya sa aking likuran. Yakap-yakap niya ako habang walang imik.

Samantalang ako naman ay pinipigilan na lang ang mapaluha sa ginawa ng anak ko. Tumingin pa ako sa itaas para hindi lumabas ang aking luha. Pinikit-pikit ko pa ang mata ko para bumalik lang ang luha sa dating pinanggalingan nito.

Hindi ako nahihirapan na mawala sa akin si Rizhui. Kaya ko siyang kalimutan at bumalik sa dating buhay na meron ako.

Subalit hindi ko magawa, mas naaawa ako sa kalagayan ng anak ko. Nahihirapan akong makita ang anak ko na malungkot sa nangyayari sa pamilya na akala niya ay pangmatagalan na talaga. Pamilya na masaya at kinakaya ang mga problema, ngunit ngayon ay tuluyan na ngang nawasak sa isang dahilan na hindi ko alam kung kailan pa ba nagsisimula?

KREIAH T. M. DARSON: WIFE OF THE NOTORIOUS MAFIA (EXCLUSIVELY ON DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon