JACK'S POV:"Lintik lang ang walang ganti." Walang emosyon na sambit ko bago malakas na sinarado ang pintuan ng kotse ko. Hindi na ako nag-atubili pa na tingnan kung may nasira ba. Ang tanging gusto ko lang ngayon ay matapos na ang lahat.
Para akong siga na naglakad papasok sa bahay na tinutuluyan ng asungot na lalaking iyon. Ipaparanas ko sa kaniya ang galit ko. Ang lahat ng sakit dito sa puso ko dahil sa ginawa niya.
Nakakapangmura lang ng malagkit talaga!
"I love you honey." Rinig kong mahinhin ngunit malanding wika ng isang babae matapos kong makapasok ng walang humaharang sa aking dinaraanan.
Kung meron man, sa kanila ko ibubuntong ang galit kong ito. Bago sa lalaking iyon.
"I love you more, honey. Let's make a baby." Pumalapakpak pa ako sa narinig ko mula sa bunganga ng lalaking iyon.
Akala mo ay nanonood lang ako ng sine habang tinitingnan sila sa ganitong kalaswang posisyon.
"At gusto mo pa talagang dagdagan ang anak mo huh?! Pero sa ibang babae pa? Ganiyan ka ba kahindot na lalaki ka?" Mukha naman silang dalawa na nagulat sa biglang pagpasok ko.
Sumandal pa ako sa pader na katabi lang ng vase na may halaman na pahaba. Samantalang ang dalawa naman ay napalayo sa isa't isa na nakaupo sa may sofa habang ang babae ay nakapekpek short na akala mo isang pornstar.
Napatawa naman ako sa naiisip ko. Dumura pa ako sa mismong harapan nila at iginalaw-galaw ang aking ulo para maayos ko lang ang leeg ko. Pinatunog ko rin ang mga daliri ko sa kanila at walang emosyon na tinignan ang lalaki.
"What the heck are you doing here, Jack? Pinapunta ka ba rito ni Kreiah para ikaw ang magsabi ng lahat ng gusto niyang sabihin? Hah!" Napangisi naman ito bago hawakan ang baba niya.
Naparolyo naman ang mga mata ko sa sinabi niya at saka binalingan ang babaeng iyon na may hawak ng baril. Nakalagay ang baril nito sa may balikat, malawak ang ngiti nito sa akin na para bang may gustong ipahiwatig ang mga matang iyon.
'Oh! Hindi ako na-inform na may bakbakan pa lang magaganap? D*mn.'
"Nope. Why would she gonna do that? She loves you."
"Me? Oh come on Jack! I already found my new wife. I never love your twin, sobrang hina at walang panama si Tria sa kaniya." Mapang-uyam naman na sambit nito bago ituro ang babae. Hanggang ngayon nakaupo pa rin siya ng prente na akala mo isang hari.
Ano pa bang bago sa isang NOTORIOUS? Akala nila sila na ang magaling, akala nila sila na ang malakas at walang panama ang iba sa kanila. But little they didn't know na pinagtatawanan ko na lang sila. Lalong-lalo na ang lalaking ito.
"Ah..." napatango-tango pa ako at hinawakan din ang aking baba. Tinikom ko pa bibig ko at nilasap ang aking bibig. "Paano kaya kung makita mo rin ang hinahanap mo. 'E 'no!" Nanggagalaiti kong sigaw at mabilis na sinugod siya sa kinaroroonan niya.
Naalerto naman siya at maging ang babae. Pero hindi ko iyon pinansin pa. Pinaulanan ko ng aking kamao ang direksyon ni Rizhui, ngunit naiilagan niya pa ito. Kaso hindi niya alam na nakikipaglaro rin ako sa ginagawa niya.
Naramdaman ko naman ang pag-ikot niya pakaliwa kaya mabilis akong tumalon sa ere at binigyan siya ng flying kick mula sa itaas. Nilingon ko pa ang pinagbagsakan ko at kinuha ang vase na nasa harapan ko. Mabilis kong itinapon iyon sa direksyon ng babae na handa na sa pagbaril. Kaso nag-aasinta pa ito kaya sobrang bagal niyang gawin ang gusto.
"TRIA!" Sigaw ni Rizhui matapos makarecover.
Samantalang ang babae naman ay nakailag sa aking ginawa. Napailing pa ako sapagkat nanghihinayang na hindi ko man lang nagawang mapatamaan ang babaeng malandi na iyon.
BINABASA MO ANG
KREIAH T. M. DARSON: WIFE OF THE NOTORIOUS MAFIA (EXCLUSIVELY ON DREAME)
Short Story"In every word we spoke, lies beneath it." KREIAH T. M. DARSON : WIFE OF THE NOTORIOUS MAFIA formerly known as 'Notorious Mafia Boss Ex-Wife.' Book Cover ©®: RMGRAPHICSHOP