NMBEW 2

3.4K 89 0
                                    

FROYD'S POV:

Napapahawak na lang ako sa aking bibig sa aking nalaman. Hanggang ngayon nakayakap pa rin ang kakambal ni Jack na si Eya. Samantalang si Jack naman ay nanatili lang sa posisyon niya, halata na nagulat din siya sa ginawa ni Eya.

Itong dalawa na ito ay matagal ng hindi nagkausap simula ng mag-asawa si Eya.

Hindi ko rin naman masisisi ang nararamdaman ni Jack sa mga panahon na iyon. Mula pagkabata hanggang pagtanda nila, palagi niyang iniisip ang kapakanan ng kambal. Ayaw niyang makaramdam ng sakit ito, dahil doble ang sakit sa kaniya kapag nakikita si Eya na nasasaktan.

Pero nang makilala ni Eya si Rizhui biglang nagbago ang lahat. Kitang-kita ko ang galit ni Jack sa lalaking iyon, mula ata ulo hanggang paa, maging kaluluwa ni Rizhui ay kinaayawan niya.

Hindi ko rin maitatanggi na naiinis din ako sa naging wakas nila. Rizhui Tymothy Darson is not that typical man who have a normal life, lahat ay may gulo't panganib. Hindi mo alam kung sino ang totoo o hindi. Baka mamaya niyan natutulog ka na lang biglang may papasok at papatayin ka na lang nang walang kaalam-alam.

Ganon kadelikado ang mabuhay kasama si Rizhui. Lahat ay may limitasyon. Kaya sobra ang poot ni Jack kay Eya pero hindi rin maitatanggi na mas umaapaw ang pagiging magkambal nila.

Tinanggap niya ang lahat ng paunti-unti. Naging ninong siya ng anak nilang si Zicko pero simula ng mapunta sa panganib si Eya at pinili pa rin nito ang asawa. Iyon na rin ang dahilan para magkalabuan na ang lahat. Mas pinili na lang ni Jack ang lumayo sa kambal at maging sa kinaaayawan niyang lalaki.

He choose to build a bar at dito na lang ibuntong ang lahat. Hindi na rin siya open sa mga magulang nila at lalong naging malamig na siya makitungo sa iba. Kung dati siya ang pinakamadaldal at hyper sa lahat, ngayon naman siya ang kinatatakutan ko sa mga taong nakakasalamuha ko.

He can kill me whenever he want. I should leave and run away from him.

Pero I choose to stay with him. Iyon lang ang tangi kong gustong gawin kasi alam kong nangungulila rin siya.

"KREIAH! KREIAH!" Napabalik lang ako sa aking diwa.

Ganon na lang ang gulat ko ng makita si Eya na karga-karga ni Jack. Halata sa mukha nito ang gulat at pangamba. Tiningnan pa ako nito at sinenyasan gamit ang kaniyang mga mata.

Nagmadali na rin akong sumama sa kaniya palabas ng bar na ito. Mabuti na lang nasa akin ang key ng kotse niya. Hindi na niya kailangan pang mag-alala sa ibang bagay.

"Dalian mo!" Galit na sigaw niya.

Natataranta naman akong pumasok agad sa pulang kotse niya na nakaparada lang sa parking lot. Ipinasok ko sa susihan ang key. At nagsimula ng paandarin ang engine. Nang makita kong ayos na ang lahat sa loob ay saka lang ako nagmadali na paandarin ito palayo.

Habang binabagtas namin ang kalsada. Naririnig ko ang bawat malulutong na pagmumura niya. Nakikita ko rin sa front mirror kung paano niya tapikin ang walang malay na si Kreiah.

Pero hindi pa rin ito nagmumulat ng mata kaya mas lalo siyang nag-aalala at matalim akong tiningnan.

Napalunok na lang ako ng laway.

"Sh*t! YOU'RE SO SLOW! KAPAG NAMATAY ANG KAMBAL KO IKAW ANG IDO-DOUBLE DEAD KO!" Kahit na galit siya ramdam ko pa rin lamig dito.

Kaso nainis ako sa sinabi niya. Walang malay lang ang tao patay na agad?

"T*ng*na! Imbis na manalangin ka na lang na magiging ayos lang ang lahat. Hindi! Dahil iniisip mo na mamatay na ang kambal mo! NAG-IISIP KA BA?!"

"I DON'T F*CKIN' CARE. JUST DRIVE OR ELSE I'LL PUNISH YOU BRUTALLY!"

KREIAH T. M. DARSON: WIFE OF THE NOTORIOUS MAFIA (EXCLUSIVELY ON DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon