💞 Kabanata kwatro 💞

1.4K 63 6
                                    

I was on the verge of waiting when someone put a red roses in my table. Nang tignan ko kung sino ang naglagay nun ay napangiti ako.

"How sweet." Nasabi ko na lang saka inamoy amoy ang roses. Agad naman siyang umupo sa harap ko.

Nasa isang classic restaurant kami ngayon. Biglang may dalawang waiter ang lumapit samin. Isang may dala nang tubig at isang may dala nang menu.

"What do you want to have, Ma'am/Sir?."

Nagtingin tingin lang kami sa menu saka sinabi ang order namin.

"We'll serve your order in a minute, Ma'am/Sir." Tumango lang kami at agad naman itong umalis at ang waiter na may dalang tubig ay nilagyan nang tubig ang baso namin saka umalis.

Kung nagtataka kayo kung bakit hindi kami sabay na pumunta dito, it's because....

"Bakit ba kasi hindi ka pumayag na sa bahay ka na lang ninyo susunduin? Napaka ungentleman ko naman."

Napangiti ako saka kinurot ang pisngi niya.

"Anong ungentleman ka diyan? Sa lahat nang mga lalaki sa mundong ito, masasabi kong ikaw na ang pinakagentleman at pinakamarespeto. Tsaka alam mo naman na hindi pa kita napapakilala sa parents ko diba?."

Sinabi ko kasi sa kanya na dito na lang kami magkita dahil hindi pa siya kilala nang parents ko, although alam nilang tatlong taon na siyang nanliligaw sakin.

Kapag naman tinatanong nila ako kung bakit hindi ko pa rin siya pinapakilala, ang tanging sagot ko lang ay...

"Mom, dad, makikilala ninyo rin naman siya at the right time at siguradong matutuwa kayo sa kanya.

Nagpout siya na parang babae.

"Ang bakla mo. Haha. Mas babae ka pa ata kesa sakin e." Panunukso ko.

"Mahal mo naman."

"Bakla ka pa rin."

"Pero mahal mo."

"Bakla! Bakla! Bakla!"

"Pero mahal mo diba?." Saka ngumisi.

"Oo na." Pagsuko ko. Wala talaga akong laban dito.

Nang dumating ang order ay nagsimula na kaming kumain.

Marami kaming napagkwentuhan at isa na doon ang pag aarrange marriage sa akin.

"Bakit ganun? Kahit alam kong ako ang pakakasalan mo, nagseselos pa rin ako. Paano kung gwapo yun?."

Nanlaki ang mata ko saka nilapat ang kamay ko sa noo niya.

"Ikaw ba talaga yan? Ang isang Austhine Michael Weidesson biglang naconscious at natakot kung may makalamang sa kagwapohan niya?."

"Tsk! Alam mo namang kaya kong mawala ang kahit ano, wag lang ikaw. Ganyan kita kamahal. At bakit? Hindi ba nagseselos din naman ang isang Cattleya Irene Samonte? Dagdagan na rin natin nang Weidesson sa dulo. Future Mrs. Weidesson." Ngumisi siya dahilan para pamulahan ako.

Kahit kailan talaga never niyang hindi napapula ang mukha ko. Arghhhh! Kainis! But, I love him e.

Arrange in Marriage (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon