HELLOO THANKYOU SA NAGBABASA NG WORKS KO BTW HAHABAAN KO NA PO EVERY CHAPTER KASI TAMBAK MGA MODULE KO EH THANKYOUU!!
Bumuntong hininga muna ako bago pumunta sa kinaroroonan ni nickie at elijah. Nadatnan ko na sa hindi kalayuan ay may kausap sa selpon si elijah at si nickie ay ganon pa din kung kanina ay nakaupo , hanggang ngayon nakaupo pa din na tila malalim ang iniisip
"Nickie" Pagtatawag ko. Aalis na ako kaya magpapaalam ako sa kaniya
Ngunit parang wala itong narinig at nakatulala lamang sa kawalan.
"Nickie hoy" Pag uulit ko ngunit dedma pa din. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha at parang pasan pasan nito ang mundo hindi maipinta ang mukha nababaliw na aata.
"HOYYY NICKIE" Pag tawag ko na mas malakas na sa normal na tinig ko. At ang gaga nahulog sa kinauupuan pero agad din itong tumayo
"A-Ay kabayo ano ba max bakit ka nanggugulat" Namumutlang saad ni nickie habang hawak hawak ang kaniyang dibdib
"Kanina pa kita tinatawag , namumutla ka ayos ka lang ba?" Anyare sa kanya sa pagkakaalam ko wala namang sakit sa puso si nickie ilang beses ko na din siya ginulat pero hindi naman ganito hindi siya namumutla
"A-ayos lang ako sasusunod wag mo ako gulatin pag nagkataon na may sakit ako sa puso at na dedu ako ikaw ang una kong mumultuhin" Usal ni nickie habang salubong ang kilay
"Dead agad hindi pwedeng nahimatay muna" Natatawang sambit ko kahit kailan napaka oa magisip ni nickie kumbaga exaggerated
"Bakit mo nga pala ako tinatawag"
"Nakapagpaalam na ako kay boss aalis na ako" Sambit ko habang nakatingin sa kaniyang mga mata bakas ang kalungkutan sa mga mata ni nickie na siyang ikinaiwas ko ng tingin
"Tsaka yung trabaho na sinasabi mo sa akin pag iisipan ko pa tatawagan kita agad pag nakapagdesisyon na ako" Usal ko habang ang tingin ay kay elijah na nasa kalayuan na hanggang ngayon ay may kausap pa din sa selpon
"O sige sabi mo yan ah kung may kailangan ka wag kang magdalawang isip na tawagan ako" Malungkot na saad ni nickie. Hindi ako sanay na makitang ganito ang kaibigan ko kaya naisipan kong ibahin ang topic
"Ano naka points na ba?" Tanong ko at tinignan si nickie ng nang aasar na tingin
"Points?"
"Kay elijah hahaha yiii nickie dalaga na" Natatawang asar ko kay nickie at ang bruha tila naging kamatis ang pisnge kaya hindi ko napigilang humalagapak ng tawa
"Pinagsasabi mo dyan dalaga naman talaga ako baliw" Sagot niya habang hindi makatingin
"Galaw galawan mo bulok HAHAHAHAH kung ako sayo manonood ako sa youtube ng mga hokage moves" Saad ko habang tumatawa pa din ng bahagya wala natutuwa lang akong asarin siya
"Hiyang hiya naman ako sayo bakit may jowa ka?" Mataray na saad nito habang nakataas ang isang kilay. Sa tanong niya ay hindi ko maiwasang maging seryoso
"Wala at wala akong planong mag jowa mas gugustuhin kong makasama at ilaan lahat ng oras ko kay lola kaysa pumasok sa isang relasyon na wala namang kasiguradohan that will only destroy your heart and worst it will lead you to death not literally" Saad ko habang nakatingin sa lamang sa kawalan. Binalingan ko ng tingin si nickie at bakas sa kanyang mukha ang pagkamangha problema nito?
"Oh bat ka ganyan makatingin?" Takang tanong ko
"W-wow big word himala ang tuwid ng english mo ngayon ah" Gusto kong matawa sa kaniyang reaction pero pilit kong pinipigilan. At di nagtagal biglang sumimangot ang kaniyang mukha bipolar ba to?
BINABASA MO ANG
Caught by cupid's arrow
AléatoireMaximus San Fuego isang babae na simple lamang nakatira sa tondo manila kasama ang kaniyang lola hindi mayaman at hindi rin mahirap pero sapat na ito para makakain ng tatlong beses sa isang araw. Laking probinsya si maximus ngunit dahil hirap siyang...