Naalimpungatan ako ng naramdaman kong may kumikiliti sa aking paa pero dahil inaantok pa ako ay hindi ko ito pinansin ngunit makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ko na may kumikiliti sa tenga ko dahil kiliting dulot nito ay napabangon ako sisigawan ko na sana ang naglakas loob na storbohin ang mahimbing kong tulog ng bumungad sa akin si lola na nakapameywang at hindi maipinta ang mukha.
"A-ah hihi bakit p-po kayo andito la" tanong ko habang nakangiti ng alanganin naku mahirap na baka mapingot na naman yung tenga ko masakit amp.
"Anong bakit ako nandito diba shabi ko kagabi na dapat maaga kang gigishing ngayon dahil may trabaho ka pa" Saad ni lola habang nakataas ang kaliwang kilay ay taray ganda ka bhie joke
"Lola naman inaantok pa ako eh bigyan niyo pa po ako ng five minut---" Sagot ko nang biglang pingutin ni lola ang kaliwang tenga ko
"Anong payb minits gusto mo payb minits ko din pingutin ang tenga mo ha ikaw talagang bata ka bilishan mong maligo kung ayaw mong malintikan sha akin" Saad ni lola
"Sabi ko nga maliligo na ako la pwede mo na bang bitawan ang tenga ko huhu" Pagmamaktol ko ikaw kaya palaging pingutin ang kaliwang tenga tignan natin kung hindi ka iiyak
"Bilishan mo max dapat wala pang shampung minuto ay taposh ka ng maligo" Sabi ni lola
"Ano muna ang shampung minuto at payb minits" Pang aasar ko kay lola ewan ko ba kay lola simula nong mabungal si lola eh ganyan na siya mag salita
Tinignan ako ng matalim ni lola kaya kumilos na ako papunta sa banyo pero bago pa man ako tuluyang makapasok sa banyo ay inaasar ko ulit si lola
"Asahan mo la wala pang shampung minuto tapos na ako hihih kung gusto mo payb minits pwede naman" Humahikgik na saad ko. Akmang sisigaw si lola nang
"Oh chill wag ka ng sumigaw la baka malaglag yang pustiso mo HAHAHAHAHAHHA" Natatawang sambit ko ganito talaga kami ni lola tuwing umaga kung hindi niya ako pipingutin ay babatokan kung hindi naman ay mag aasaran ewan ko ba may lahing pagka sadista ata to si lola
Dahil ayaw ko ulit ma pingot ay binilisan ko ang paglilinis ng katawan nang matapos na ay nagbihis ako ng simpleng damit.
White v neck tshirt black silk fitted pants at puting converse na sapatos pagkatapos kong magbihis ay sinuklay ko ang aking hanggang bewang natural brown na buhok tapos ay pinony tail ko ito naglagay din ako ng konting pulang lipgloss at nagpapisik ng konting pabango sa aking leeg at pulso nang makontento ay kinuha ko na ang aking bag at lumabas.
"Oh andyan ka na pala halika na at shalohan mo ako dito" Pag aaya ni lola sakin kinuha ko ang aking selpon sa bag at tinignan ang oras halos manlaki ang mga mata ko ng makitang alas nwebe na nang umaga kingina naman late na ako pero ayaw ko din iwanan si lola kaya napagpasyahan ko na salohan si lola
Napasimangot ako ng makita ang nilutong ulam ni lola mukhang kailangan kong mag acting actingan ngayon ah
"Bat ganyan ang mukha mo may problema ka ba apo" Nag aalalang tanong ni lola. Opo may problema ako pano ba naman eh ang itlog ay nangingitim, ang hotdog ay sunog din, tapos ang kanin ay nangangamoy sunog may galit ata si lola sa ulam pero syempre hindi na ako sumagot baka hindi na pingot ang matikman ko kundi kurot na sa singit
"W-wala po la kumain na po tayo" Napililitang sabi ko kahit ganyan ang luto ni lola eh wala akong magagawa ayaw kong masaktan ang feelings ng lola haaay
Sumandok ako ng kanin at pinili ko ang hotdog kawawang hotdog ang hirap siguro ng pinagdaanan nito wag kang mag alala para ikaw ang makapagpahinga na ay kakainin na kita hihihih
Nang matikman ko ulam ay nagmamadaling akong nagsalin ng tubig sa pitsel at walang pagdadalawang isip na linagok
"Bakit"Nagtatakang tanong ni lola kung alam mo lang la baka
"W-wala po bakit ikaw la hindi kumakain may sakit po ba kayo"Nag aalalang tanong ko 65 anyos na si lola pero masasabi kong malakas pa din siya ays ah
"Makita lang kitang kumain apo bushog na din ako" Nakangiting sagot ni lola ampp
"La alam ko namang matigas ang ulo ko pero grabe naman po kayo" Nakasimangot na sabi ko
Ang kaninang abot tenga na ngiti ni lola ay biglang nawala
"Ano ang ibig mong shabihin"
"Yung niluto mo po"
"Ha"
"Hatdog" lola naman eh ang slow
"Eto pa oh hotdog" inabot sa akin ni lola ang plato na may tatlo pang hotdog na sunog
"Lola naman ihhh" Nagmamaktol na sambit ko hindi ko na nga kayang ubusin ang isang hotdog
"Hindi kita maintindihan maximushe ano ba ang ibig mong shabihin" Tanong ni lola na hindi maipinta ang mukha
"Kasi po diba sabi niyo busog na kayo basta makita mo akong kumakain, kahit ang lasa ng niluto mong pagkain a-ay" Kinakabahan na saad ko
"Ay?" Sambit ni lola habang nakakunot ang noo lumunok ako bago sumagot
"H-hindi ka aya aya kasi naman lola yung hotdog nangingitim ang itlog naman ay sunog tapos ang kanin ngangamoy sunog din sabihin niyo lang po kung may galit kayo sa akin wag niyo na idamay pa ang ulam kawawa naman sila" Kinakabahan na sagot ko kakasabi ko lang kanina na hindi ako magrereklamo pero wala e nadulas ako kaya hinanda ko na ang sarili ko lalo na ang kaliwang tenga ko
Makalipas ang ilang segundo ay hindi pa din umiimik si lola patay...
"L-la sorry po h-hindi ko naman sinasadya na sabihin iyon pero parang ganon na nga" Natatarantang saad ko ng biglang tumawa ng malakas si lola napatulala ako dahil akala ko pipingutin ni lola ang tenga ko pero hindi ko inaasahan ay tatawa ito
Habang tumatawa si lola ay bigla nahulog ang kaniyang pustiso kaya hindi ko napigilang tumawa
"HAHAHAHAHAAHHAAHAH lola naman tawa lang okay walang hulugan ng pustiso" Tawa ko habang nakaturo sa pustiso na nahulog
Tawa pa rin ako ng tawa ng biglang tumayo si lola at lumapit sa akin
"A-ARAAAY LA BAT KA NAMBABATOK MASAKIT" Nakangusong sabi ko
"Imbish na pulotin mo ang pushtisho ko ay tinawanan mo ako walang hiya ka apo ba talaga kita" Naiinis na sambit ni lola hahahaha
"Quits lang tayo la" natatawang sabi ko
"Aba bilishan mo na dyan ma lelate kana"Napameywang na sambit ni lola ay anak ng teteng nagmamadali kong inubos ang aking pagkain kahit hindi ka aya aya ang lasa nito pagkatapos ay uminom ako ng tubig
Tumayo na ako at lumapit kay lola yinakap ko sila at nag mano
"Bye lola aalis na po mahal ko po kayo" Sabi ko tsaka hinalikan si lola sa pisnge
"Mag iingat ka rin ah wag tatanga tanga"
"Ampp me is safe okay? You need don't worry to me" Taas noong sagot ko
"Jushko maryoshep wag ka ng mag english shumashakit tenga ko shayong bata ka" Saad ni lola habang hindi maipinta ang mukha kaya hindi ko napigilang humalagapak ng tawa
BINABASA MO ANG
Caught by cupid's arrow
AcakMaximus San Fuego isang babae na simple lamang nakatira sa tondo manila kasama ang kaniyang lola hindi mayaman at hindi rin mahirap pero sapat na ito para makakain ng tatlong beses sa isang araw. Laking probinsya si maximus ngunit dahil hirap siyang...