Nang tapos na kami mag usap ni nickie ay naghiwalay kami upang gawin ang aming trabaho. Andito ako ngayon sa bakuran ng shop nagsasampay ng bedsheets. Habang nagsasampay ay hindi ko maiwasang isipin yung trabahong inaalok ni nickie sa akin.
Tama nga naman siya pagsisilbihan ko lamang ang may ari ng bahay pagkatapos ng isang buwan ay makukuha ko na ang aking sweldo. Kung tutuusin sa pinagtatrabahoan ko ngayon ay nasa 3 to 4k lang ang sahod taga buwan samantalang pag don ako magtatrabaho ay triple ang sweldo ko.
Hindi sa pag iinarte gusto ko naman eh kaso hindi ko pwedeng iwan si lola sa bahay mag isa paano kung bigla siyang atakehin sa puso o kaya maaksidente kunware kung 50/50 man ang kaniyang buhay tapos ako nalang yung hinihintay niya eh madedeads na siya kasi babiyahe pa ako tapos paano pag nagkataon traffic edi wala hindi ko na siya maabotan pero wag naman sana malakas pa lola ko no
Iniisip ko palang na madedeads si lola hindi ko kakayanin wala ng gigising sa akin sa umaga, wala ng pipingot nang tenga ko wala ng babatok, kukurot sa akin, wala nang magsesermon sa akin kaya kahit minsan sadista si lola eh mahal na mahal ko naman siya hindi halata pero totoo parang barkada lang turingan namin niyan e
"HOYYY!!" Panggugulat ni nickie sa akin
"Ay anak ka ng nanay mo!" Muntik ko ng mabitawan ang puting bedsheet na hawak ko letche
"Tulala ka dyan" Nagtatakang tanong ng bruha
"Letche nickie bakit ka nanggugulat kung nagkataon nabitawan ko tong bedsheet ihahampas ko talaga to sayo tamo" Naiinis na sambit ko alam niyang gulatin ako na tao
"Eh kanina pa kita tinatawag bakit ka ba kasi tulala ano na realized mo na nasayang naman yung alok ko sayo no" Nanunuksong saad ng gaga
"Tangek hindi ah eksayted te eksayted teka bakit ka andito akala ko may customer kang inaasikaso" Tanong ko kasi kanina bago kami naghiwalay e may bigating customer na nagpalaba
"Nakaalis na kanina pa halika gusto ka daw maka usap ni boss"
"H-ha" Parang nabingi ata ako
"Sabi ko gusto ka maka usap ni boss bingi lang" Pag uulit niya sabay talikod napalunok ako ng maraming beses bago sumunod sa kaniya
Pinagsiklop ko ang aking dalawang kamay saka huminga ng malalim at paulit ulit na sinasabi sa sarili na "kaya mo yan ikaw si maximus san fuego mutya ng manila ng pook 23 noong ako pa ay highschool"
Nakayukong sumunod ako kay nickie abot langit ang aking kaba na sana hindi tama ang kutob ko
Dahan dahan pinihit ni nickie ang siradura at pumasok wala akong nagawa kundi ang sumunod
"Boss andito na po si maximus" Sabi ni nickie dahan dahan kong inangat ang aking tingin nakahinga ako ng bahagya nang nakaupo si boss at nakatalikod sa amin
"P-pinapatawag niyo daw po ako" Kinakabahan na usal ko
"Tama ka" Malalim na sagot ng lalaki unti unti niyang inikot ang kaniyang upuan at tinignan ako ng diretso
Napahawak ako sa laylayan ng t shirt ni nickie dahil sa kaba parang mahihimatay ata ako dito ora mismo. Tinignan ako ng ni nickie na para bang "bitawan mo ang t shirt ko umaayos ka" kaya napalitan akong bitiwan ang t shirt ni nickie at hinarap si boss na ang dalawang kamay ay nasa likod at nakayuko ang ulo
"B-bakit po m-may problema po ba" Tanong ko habang hindi makatingin sa kaniya napakagat na lamang ako sa aking labi at tahimik na humiling na sana hindi tama ang kutob ko
"Yes Ms. San fuego malaking problema" Saad ni boss pakiramdam ko parang eto na hay kingina naman
"Sa ginawa mong pangbabastos sa ating kliyente at record mo dito sa opisina ay napagdesisyonan kong tanggalin ka"
BINABASA MO ANG
Caught by cupid's arrow
AcakMaximus San Fuego isang babae na simple lamang nakatira sa tondo manila kasama ang kaniyang lola hindi mayaman at hindi rin mahirap pero sapat na ito para makakain ng tatlong beses sa isang araw. Laking probinsya si maximus ngunit dahil hirap siyang...