Kapag naglalakad ako halos lahat nasa akin ang atensyon, halos lahat sila saakin nakatingin. Hindi ko talaga maintindihan kung anong problema nila, ang mas masaklap pa eh yung naglalakad kana nga lang tatawagin kapang TABA! BABOY! Potspa!! Inaano ko ba kayo? Halos lahat ng nakakasalubong ko my mga pandidiri sa mata. Tipong nagsasabi ng AYOKO MAGING GANIYAN KALAKI. NAKAKADIRI. Wtf! Hindi ko kasalanan maging mataba! Kasalanan ng pagkain yun! Anong akala niyo?! HINDI KAYO NAKAKASAKIT! Nakaka offend din minsan, feeling mo pa puri yun pala nang iinsulto na. Hindi masaya ang pagiging mataba, ang hirap maging ganito kalaki.
Dahil din siguro sa katawan ko kaya walang lalaki ang nagtatangkang ligawan ako. Sa facebook lang ata ako napupuri dahil pa yun sa pagiging photogenic ko, nakakaasar talaga. Napakadaming discrimination ang natatanggap pag mataba ka. Napakadaming pangungutya ang maririnig mo sa kahit na sino.
Andito ako ngayon sa Library, dito tahimik. Wala kang makikitang nagbubulungan at nakatingin sayo kailangan mo lang eh manahimik sa isang tabi. Habang nagrereview ako para sa midterm next week my lalaking tumabi sakin. Medyo lumayo ako sakaniya kasi nga NAGREREVIEW AKO sinulyapan ko ng saglit ang lalaki naka eyeglasses siya, matangis ang ilong, maliit at namumula ang labi, mahaba ang pilik mata at moreno. Nagbabasa siya ng libro nang biglang mapatingin sakin.
Hi? nag-hi siya? At nakangiti pa. Napakagwapo naman neto at mukhang mabait. Hello bati ko sakaniya ng pabalik at ngumiti na rin nakakahiya naman kasi kung iisnabin ko siya. Ayokong mag feeling maganda no' Im Rafael Mendoza, and you are? Eh? Bakit siya nagpapakilala. Hindi ko naman tinatanong kung anong pangalan niya, Im Alex. Matipid na sagot ko kahit na medyo nawiwirduhan kasi ako sakaniya. Tumayo ako at akmang aalis na. Sa rooftop na lang ako magrereview o kaya dun sa my park sa may malaking puno. Gusto ko sa tahimik na lugar ayokong mabaling ang atensyon ko kahit na kanino. Isang taon na lang at gagraduate na ko kailangan ko pang pag igihan ang pag aaral ko. Ahm una na ko Raf. My klase pa kasi ako eh. Sinabi ko lang excuse yun para makaalis ako tumango lang siya at See you around Alex. ngumiti. Nagwave ako ng kamay at naglakad na.
Umakyat ako sa rooftop. Mas peaceful talaga dito, madalas akong tumambay dito minsan pa nga kasama ko yung bestfriend ko, si France kaso kapag busy siya ako lang mag isa lalo na't kaonti lang ang klase niyang magkasama kaming dalawa. Minsan naman bakante ang oras ko tapos siya naman ang my klase katulad ngayon. My klase pa kasi siya sa Accounting kaya tiis tiis muna sabay naman kaming uuwi mamaya eh. Sumalampak ako sa sahig at inilagay sa magkabilaang tenga ang headset ko.
Nagsimula na ulit akong magbasa puro Oral kasi ang ipinagagawa samin. Kaya heto kailangan talaga ng paspasang pagrereview. Ipinatong ko sa tuhod ko ang libro nakakaramdam ako ng antok, iidlip muna ako alam ko namang tatawagan ako ni France pag nagdismiss na ang prof niya. Inilagay ko ang mga kamay ko sa ibabaw ng libro at yumuko para umidlip ng kaonti.
Maganda ka. Mataba ka nga lang sana pansinin mo ko. Hindi yung pansin na laging galit kundi yung pansin na may pake at pag aalala sa mga mata. Alam kong malabo mangyari dahil sa sobrang galit mo' Imissyou Alex. Panaginip ba to? Bakit walang mukha? Atsaka bakit parang totoo. Feeling ko ibinubulong saakin, unti unti kong minulat ang mata ko atsaka tumingala. Napaatras at napayuko ako dahil sa gulat. Nakapalapit ng mukha niya saakin. Si .. Si .. Si .. Si Ivan Martinez yung hearthrob at pinagkakaguluhan dto sa school head turner tong lakaki na to.
BINABASA MO ANG
Temporary.
Non-FictionSa totoo lang hindi ko pa alam ang isusulat ko, may naisip lang akong concept at gusto kong itry.