- G R A Y -
"You haven't seen your brother for a while now."
Nagulat ako sa paunang sinabi ng ama. Bilang lang ng aking mga daliri kung gaano kadalas makipag-usap si Dad tungkol kay kuya. Narito ako ngayon sa kanyang opisina sa bahay dahil may ipapaalam daw itong mahalaga sa akin, at tama, mahigit kalahating dekada na rin simula nang huli kong makita si kuya.
Tanda ko pa ang mga pangyayari na naging dahilan ng pag-alis namin sa Pilipinas. The thought of it made me smile bitterly.
It was still vivid in my mind like it just happened yesterday. Those things were slowly dawning on me. Little by little, guilt was eating me up.
I was with her…
I was with mom when that accident happened. It's all my fault. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mabigyan ng hustisya ang pagkawala niya. My memories are in pieces, ni wala akong lakas ng loob na mag testigo at sabihin sa kanila ang lahat dahil sa tuwing binabalikan ko ang pangyayaring iyon ay tila lumalabo lang ang lahat.
They were masked. The only evidence that could ever led me to something is the feeling of experiencing all of it. I felt so frustrated. I couldn't even become a useful witness. How could they believe a young girl like me?
With all the lacking evidence, no other witnesses. The case was led at the worst. A trusted employee murdered his own boss, and the case was closed.
Maging ang sarili kong ama ay hindi iyon matanggap, hindi siya naniniwala na magagawa iyon ng driver namin. In fact, wala itong dahilan para magawa ito kay mom. Lumalago pa lamang ang kompanya namin sa panahong iyon at marami kaming mga kakompitinsya sa negosyo. Everyone was against our success. Simula noong araw din na iyon ay sinanay kami ni Daddy para mapagtanggol namin ang sarili.
Natigil ako sa aking pagbabalik tanaw ng muling mag salita ang aking kasama.
"I've decided. You should go back to the Philippines and continue your studies-"
“What?” Wala pa sa sarili na turan ko.
“What? You don't want to?”
"I mean, great! Should I pack my things now?!" Biro ko, hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ni Daddy. Napatayo ako sa aking kinauupuan. Hindi ko itatangging na na-miss ko na bayang tinubuan, pati na rin si kuya. Di man lang siya nakadalaw rito sa mga nagdaang taon. Kahit na sa gano'ng dahilan nagtapos ang pamumuhay namin sa Pilipinas ay hindi ko pa rin maikakailang hinahanap hanap ko pa rin ang lahat sa bansang iyon.
Panandaliang nawala ang lahat ng iniisip ko, pati na rin ang kagalakan ko nang muling magsalita ang aking ama.
"...You'll watch after your brother," dagdag niya na naging dahilan ng pagkatigil ko.
I raised a brow. What about my brother?
Namayani ang isang minutong katahimikan. Si Daddy ay tila binabalanse ang aking magiging reaksyon sa kaniyang mga sasabihin, habang ako ay nakakunot na ang noong nakatingin sa aking ama.
"Huh? For what?" nagugulohang tanong ko. Ano bang ginagawa ni kuya doon at kailangan ko pa siyang bantayan? Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa plano ng aking ama. Masama ang kutob ko rito.
"He's never done great in his studies," sa kabila ng mahigpit na ekspresyon ay hindi nakatakas sa akin ang pagdaan ng kalungkutan sa mga mata niya.
Tahimik lang ako habang nakikinig sa ama. Hindi ko na alam ang mga pinag sasabi niya. Si Kuya? Nagluluko? Parang iniisip ko pa lang ang itsura ng nakatatandang kapatid habang nakikipag basag ulo ay naaawa na ako. Ang payat payat nga no'n tapos makikipag suntokan pa? Imagine... kung may mga babae pa si kuya.
Just… hell!
Napailing ako. “What do you mean? Magiging spy ako ng SARILI kong kapatid? Just think how ironic that is, Dad.” Hindi ko mapigilan ang attitude ko. “I don't like any of these ideas.”
Umiling din si Dad. “No, please hear me out, young lady. This is all for your brother's own good–”
“I thought you no longer care about him,” hindi ko mapigilang pagsambit.
Ang matandang mukha ni Daddy ay tila mas tumanda pa dahil sa aking mga sinabi. Napatungo ito sa kaniyang lamesa. Parang gusto ko nalang bawiin ang mga sinabi ko.
All the things that had happened years ago. My brother blamed it all on Dad. He couldn't accept that mom was gone. Between us, he was the closest to our mom. So when she was gone, he couldn't take it. He took it all out on Dad. He thought that it would never even happen if Dad wasn't always too busy with this work. Dad was so furious about it. On the day of our flight to America, my brother ran away and stayed in our aunt's house. He was left behind.
“I cared. I cared about you two more than anything else in this world. Kayo nalang ang natitira sa akin. Ayokong mas lumayo ang loob ko sa kuya mo, kaya ginagawa ko to.” Nag-angat ng tingin si Dad.
“Sa tingin mo ba magiging masaya pa siya kung malalaman niyang may nakamasid sa bawat kilos niya?”
He heaved a deep breath. “I don't want him to be a monster just like me.” Sumeryuso ang mukha ni Dad. “I had known that he was under a gang group who was feared by many. Dahil dyan ay pinag-iinitan ang grupo nila, kasama na rito ang isang grupo na galamay ng isang sendikato and God knows what they're capable of doing.”
My mouth gaped at what I heard.
But why me?
Iyon lang ang tanging tanong na rumehistro sa isip ko. Sa dami ng mga tauhan ni Dad, kung gusto niyang magpadala ng mga tauhan doon ay magagawa niya. We ran a security agency company.
“You're my only hope, Alexie,” turan niya na para bang alam na alam niya ang mga iniisip ko. “The last report that I received from one of my agents stated that he couldn't get a hold of him because of the strict guidelines in their school. After this, he reported that their group messed up with a mafia.” Hinilot niya ang sentido at sumandal sa upuan.
“And what?” Gusto kung malaman kung anong nangyari sa mga ipinadalang spy ni Dad, kahit alam ko na ang posibling nangyari sa mga ito.
“I haven't heard from them for a month now,” tahimik na sambit ni Dad na ikinalamig ng buong katawan ko.
“Listen, Alexie. I want you to watch for him and convince him to come back with you here.”
BINABASA MO ANG
Taming The Gang Leader [On Going]
Teen FictionThey hated and envied her. She's a newcomer. She had an attitude. Gray Vantress was the coolest nerd that they had ever met, and she was adored and wanted rather than despised by every boys in that school. But wanna know what hurt every girls' ego...