All our classes for that day had already ended. Kanina ay hindi na ako kumain ng lunch at pinili nalang ubusin ang lunchtime sa dormitoryo namin. I changed my clothes as well as my glasses. Kasama ko ngayon si Kayne habang naglalakad kami patungo sa detention room. Medyo malayo iyon ayon sa nalaman ko. Nasa pinakadulo daw 'yon sa unang palapag ng Main hall sabi ng napagtanongan ni Kayne. Sa totoo lang ay hindi kasama si Kayne sa mga estudyanteng madi-detain. Ayaw lang daw niya akong maiwan kasama ng mga lalaking iyon. Kaya ko naman ang sarili ko. Nakalimotan niya yatang hindi ako isang mahinang nerd.
Malapit na akong makarating sa pintuan ng detention nang doon ko lang napansin na wala na pala sa tabi ko si Kayne. My brows furrowed. I looked back and almost rolled my eyes when I saw her still walking in the Hall's entrance. Nakalimutan ko na ang kupad-kupad pala ng babaing iyon at hindi na ako magugulat kong bakit ang tagal niyang makarating doon.
Hindi ko alam kong saan-saan na namang mundo lumipad ang isipan niya. Nakita ko pa ang pagngiti ng kumag. Napailing ako at nameywang habang hinihintay si Kayne.
Nainip ako sa kahihintay kaya napagdesisyonan ko nalang na mauna sa loob. Inayos ko ang bagong suot na salamin bago dahan dahang pihitin pabukas ang door knob ng detention room. Walang nagbabantay sa entrance ng detention. I don't know why.
Pagpasok ko ay agad na sumalubong sa akin ang tahimik na detention. Akala ko ay wala pang tao roon, ngunit nang tiningnan ko ang sulok ng kuwarto ay nahagip ng aking mga mata si sungit kasama ang dalawa pang lalaki. As always, he was sleeping. Minsan napapaisip ako kong anong ginagawa niya tuwing gabi. Ang lakas pa ng loob niyang matulog sa loob ng klase. Hindi ko lang alam bakit walang sumisita sa kaniya.
Muli kong pinagmasdan ang paligid. The room creeps me out. May theme pa yata yung detention nila, itim lahat ng makikita mo roon maliban do'n sa kulay abong board.
Hindi nakakatuwa yung detention nila, mas gugustohin ko pang magpabalik-balik sa detention ng dating pinapasukan kong school para matulog.
Bumalik ang mga nata ko sa lalaking nagkakalikot lang ng cellphone kanina nang bigla siya magsalita. "That was awesome of you earlier," sabi niya dahilan ng pananahimik ko. Hindi ako sumagot at nanatili lang nakatitig sa nakangisi nitong mukha.
"Justine nga pala," pagpapakilala niya nang hindi ako sumagot. Ngayon ay ngumiti na ito. Mukhang mabait naman siya.
"Gray," tipid na sabi ko. Bahagya akong ngumiti at naglayo na ng tingin, wala ng balak makipag-usap nino man.
Napabaling kami sa bumukas na pinto. Pumasok mula roon si Kayne at dumiretso sa kinaroroonan ko.
"What's with that face?" Bulong niya at hinablot ang isang silya palapit sa puwesto ko bago umupo roon.
I only rolled my eyes on her. Parang hindi pa siya nasasanay sa ganoong ugali ko. Nakita ko ang pagnguso ni Kayne nang hindi talaga ako nagsalita. Doon niya lang napansin ang mga lalaking naroon na tahimik lang na nakikinig sa kaniya.
"Hi there! Kayne pala," she even waved to them.
"Hello, It's Tyler, this is Dark and Justine." Yung naka headphone yung sumagot, nagcecellphone na naman kasi yung Justine. Tumango lang si Kayne kasabay niyon ang pagdating nila Kuya kasama yung isang lalaki at yung binalibag ko kanina. So his name reflects his dark attitude. Wala ng nagsalita sa aming lahat nang pumasok si Mrs. Dela Torre sa detention room.
"So, is anyone excited about their first task inside this room?"
Itinirik ko ang mga mata sa narinig.
"Ano bang gagawin namin dito tanda?" Tanong nong katabi ni kuya.
Tumingin ako sa direksyon ng nagsalita. Wala talagang mudo.
BINABASA MO ANG
Taming The Gang Leader [On Going]
Teen FictionThey hated and envied her. She's a newcomer. She had an attitude. Gray Vantress was the coolest nerd that they had ever met, and she was adored and wanted rather than despised by every boys in that school. But wanna know what hurt every girls' ego...