Chapter 3: Messing With The Wrong Ones

1.2K 75 7
                                    

"Stop staring," His eyes suddenly opened and those gray eyes stared back at me. My eyes was fixed on his, in awe of what was in front of me. I've never seen those eye color, before.

Nagsalubong ang mga kilay niya. Napakurap kurap ako at nagbaba nalang ng tingin, nagkukunwaring may sinusulat. Ang sungit. Amp!

Tahimik ko itong inismiran at nagpatuloy nalang sa pakikinig sa klase.

"Class dismissed!"

Parang iyon na yata ang pinakamagandang narinig ko sa araw na iyon. Matapos dumaan ang dalawang period ay lunch time na.

Minadali ko ang pagliligpit ng mga gamit ko para makalabas na sa silid na iyon. Hindi kami magkaparehas ng schedule ni Kayne sa huling period bago maglunch break. Mas nauunang magsimula yung klase ko. Mukhang mag-isa akong kakain ngayon. Isinukbit ko ang aking bag at nauna ng tumungo sa cafeteria. Bumili lang ako ng spaghetti, dalawang piraso ng pizza at isang lata ng coke.

"Oh my god sila Dark ba yan? Ang gugwapo talaga nila!"

Napalingon ako sa mga babaing naghihiyawan sa likuran ko. Nakatuon ang tingin nila sa banda ng entrance. I cringed at the group of guys making their way in the cafeteria. Pati ba naman dito hindi mawawala ang ganitong eksena?

"OMG! Oo nga, ang gwapo pa rin ni Justine!"

"Lexus! Ang gwapo mo talaga. I love you!"

Umigkas ang mga kilay ko nang marinig ang pangalang iyon. Who? Hinanap ko ang lalaking tinutukoy nila. Oh? Nakita ko ang masungit na seatmate ko na siyang nauuna sa kanilang lahat.

Parang wala itong naririnig at diretso lang ang mga tingin habang naglalakad. Wala yatang pakiramdam ang lalaking 'to. Natuon ang aking tingin sa katabi nitong lalaki na hindi rin maikakaila ang kakisigan. He looks so familiar. Sa tingin ko ay nakita ko na siya noon.

Siguro ay namamalikmata lang ako. Napailing ako nang dumaan na ang grupo ng mga lalaki. Wow! Dumiretso agad sila sa dulo ng linya, habang kami rito ay nakikipagsiksikan pa sa pumipila. Parang wala namang pakialam yung ibang babae. Pinapauna pa nga sila kahit may ilang umaangal. That arrogant gray eyed guy must be their leader. What? Does he own this school? Ang yabang ha.

Nakakarindi ang mga sigawan nila. Hindi ko na pinansin ang mga ingay na iyon at umalis na lang sa linya para makapaghanap ng mauupuan. Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko nang maramdaman ko ang bagay na bumangga sa paa ko na naging sanhi ng kawalan ko ng balanse sa paglalakad, kasabay nito ang paglipad ng mga dala kong pagkain. Shit!

Hindi ako nakaimik, kasabay nito ang biglaang pananahimik ng noon ay napakaingay na cafeteria. Napatulala ako sa mga sapatos ng taong na sa harapan ko. Kitang-kita ko pa ang mga pagkain na saktong bumagsak sa paanan niya. Habang tumataas ang tingin ko ay maslalo kung nakikita ang kalat na ginawa ko. Spaghetti sauce where all over his pants. Napangiwi ako nang makilala ko ang lalaki. That arrogant guy! Nakagat ko ang mga labi at mabilis na tumayo para humingi ng tawad.
Ngayon ko lang napansin ang apat na kasama niyang napatigil rin sa paglalakad. Nanlaki ang mga mata ko nang mabaling ang tingin sa lalaking katabi nito. My mouth literally dropped.

Lexus Knight Valentino!

There, my big brother was staring at me curiously. I quickly shifted my gaze away from his eyes. I hope he didn't recognize me. I'm dead meat.

Bumalik ang mga mata ko sa aking kaharap na kulang nalang ay barilin ako sa kinatatayuan ko. "I'm sorry," Paghingi ko ng tawad kahit hindi ko naman kasalanan iyon. Minsan talaga ay kailangan nating isantabi ang pride natin.

"Sorry? You think that word could change anything?!"

Muntik na akong mapatalon dahil sa biglaang pagsigaw niya. Muli kong sinalubong ang galit niyang mga mata. "Hindi ko sinasad-" hindi ko naituloy ang mga sasabihin nang bigla na lamang itong dumukot ng inumin at ibinuhos iyon sa akin. Umawang ang mga labi ko. Hindi ako nakapagsalita dahil sa aking pagkagulat. Dinig na dinig ko na ang pagsisinghapan ng mga taong nakapalibot sa akin.

"Hah! Bagay lang yan sayo!"

"Kawawa naman siya baka siya nanaman ang pag deskitahan nila sa school year na to."

"Di ba isa siya sa mga bagong transferred student? Sumabat pa kasi!"

Naikuyom ko ang mga kamao. Ganito ba kawalang mudo ang mga estudyante sa paaralang ito? I quietly laughed. You know what Gray? This is fine. You can't lose your cool.

Hindi na ako nagsalita at isinawalang bahala nalang ang malagkit na juice na kumapit na sa damit ko. Pinili ko nalang umalis roon para umiwas sa gulo, pero parang hindi pa sila nakontento nang may biglang humablot sa bag ko dahilan para mapasalampak ako sa sahig. Nakita ko pa ang pagtalsik ng suot na salamin. Okay, I can do better than that. Tumayo ako na parang wala lang sa akin ang ginawa ng lalaking kasama nila kuya.

"Akin na yan," mahinang sabi ko, nakatungo pa rin sa salamin ko. What now? I think my disguise has already blown out.

Sa halip na makinig sa akin ang lalaki ay binuksan niya ang bag ko. Bullshit.

Parang biglang napugto ang pagtitimpi ko nang marinig ang dahan dahang pagkabasag ng salamin ko na tinadyakan nito, kasunod ay ang pagtapon nito ng lahat ng gamit ko mula sa bag. Tiningnan ko siya ng masama.

Nakita ko ang dumaang gulat sa mga mata nito bago siya makabayi. "Ano?! May angal ka?"

Naikuyom ko ang mga kamay nang marinig ang pagtatawanan ng madla. Sa kabila ng lahat ng iyon ay may naririnig pa rin akong mga tanga.

"Yow, chix pala yan."

"Shit, bro ang ganda."

"Gago, hahahaha."

Tangina gusto ko manapak.

Gray, hindi ka sabi magsisimula ng gulo.

Sila yung na una.

Ikaw yung nagtapon ng pagkain.

I exhaled. My fist badly wants to land on an ugly face, it was just my very bit of patience that's holding back.

"Akin na yan," mahinahong sabi ko at tiningnan ang lalaking nakangisi. Gusto kong mapaismid, wala nang pake sa nabasag na salamin. Tiningnan ko siya ng masama. Hindi ko alam saan niya minana ang pangit na pagmumukhang yan.

Isa din ata siya sa mga tangang sunod-sunoran sa masungit na iyon. Tiningnan ko ang masungit na lalaki at napansin na tila nasisiyahan din siya sa eksenang nakikita. Alam ko na hindi lang simpleng mga tao ang na bangga ko kanina. Pero tangina!

The gray eyed guy suddenly smirked. Sa inis ko ay hinila ko ang lalaking ayaw ibigay ang bag ko at binalibag ito sa sahig. Inapakan ko ang kamay nito hindi inaalis ang tingin sa masungit na lalaki. Nakita ko ang dumaang gulat sa mga mata nito, bago ito maging blankong muli. Binaling ko ang tingin sa lalaking mamimilipit na ang mukha sa sakit.

"What the hell?!"

"Nice one nerd! Idol na kita. Hahahaha!"

"Oh my gosh! Kawawang Drake."

"Fuck you bitch! G-Get off me!" Nahihirapan na itong huminga.

Mabilis kong iniwan ang lalaki at sinimulan nang pulotin ang mga nagkalat kong gamit.

"OH MY GOD! WHO DID THAT TO YOU GRAY?!"

Pumailalim ang malakas na tinig ni Kayne. Kahit kailan, ang ingay talaga ng babaing ito. Tinulongan niya akong ayusin ang mga gamit ko.

"Siya ba may gawa nito siya?" Tanong pa ni Kayne at sinadyang maapakan ang kamay ng lalaking nakabulagta pa rin sa sahig, dahilan ng malakas na pagdaing nito. I just hope he didn't broke his bones or else I would be dead.

"Oh my! I'm sorry di ko sinasadya."

Umikot ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Kayne. Narinig ko pa ang iilang tawanan bago iyon maglaho at mapalitan ng isang napakalakas na sigaw.

"WHAT IS ALL THESE RUCKUS?!

Napangiwi ako nang pumaibabaw sa apat na sulok ng cafeteria ang napakalakas na tinig ni Mrs. Dela Torre. Napatingin ako sa direksyon niya. Tela biglang humawi ang napakalaking daan galing sa kinatatayuan ng guro patungo sa amin na parang sinasabing kami ang nagsimula ng gulo sa loob ng cafeteriang iyon.

Napapikit na lang ako nang isa isang pumukol sa amin ang mga mata niya. Parang alam ko na ang sunod niyang sasabihin.

"All of you! An hour for detention after your classes!"

Oh come on! Can this day get any worser?

Taming The Gang Leader [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon