Chapter 1: Philippines

1.7K 68 5
                                    

Tinanaw ko ang matayog na building sa aking harapan. Nakatayo ako ngayon sa entrance ng isang mall. If it wasn't for that godforsaken condition, I wouldn't be looking like an ignorant kid ready to be put in a lost and found area here.

I shook my head for the nth time that day when I remembered what my Dad had said.

F L A S H B A C K

"In one condition."

Bumalik ang buong atensyon ko sa aking ama nang sabihin niya iyon. May kinuha siya sa drawer at inilapag iyon sa harapan ko. Aba, at may kondisyon pa nga.

Inabot ko ang inilapag niyang envelope at inilabas ang laman nito. What is this all about? Tiningnan ko si Dad ng may pagtataka ngunit tumango lamang siya sa akin. Kumunot ang aking noo nang isa-isahin ko ang mga papeles na tila profile ng isang indibidwal. Mas lalong kumunot ang aking noo nang mabasa ang pangalan ng taong nagmamay-ari ng mga impormasyon.

STUDENT ID

Name: Gray Vantress

Age: 18 years old

Date of birth: July 24, 2002

Masama ang kutob ko sa mga ipinakitang impormasyon ni Dad. What does it have to do with my way back to the Philippines? Bigla akong napipilan nang makita ang mukha sa isang ID na nakapaloob sa nakatoping papel. Pamilyar sa akin ang mukha ng babae. Fair white skin, thick arched eyebrows, tantalizing brown eyes, long lashes behind those glasses, pointed nose, and curvy lips.

Why do we look so much alike?!

Don't tell me..

Tiningnan ko si Dad na tila ba ay nababaliw na siya. Tumango lamang ito na para bang alam ko na ang gusto niyang mangyari.

Bumalik ako sa realidad nang may kumalabit sa balikat ko. Muntik ko pa itong maibalibag sa aking pagkagulat kung hindi lang ito nagsalita. “What the hell, Gray? You look like a lost pet out here! It's so hot! Come, come..” sambit niya na tila pag-aari niya ang gusaling iyon. Hinawakan niya ang pulso ko at hinila ako patungo sa loob ng mall.

Tiningnan ko ng masama ang likuran ng babaing walang habas na kinakaladkad ako patungo sa kung saan. Hinila niya ako patungo sa second floor at tumigil lamang kami sa paglalakad nang marating namin ang isang clothing shop.

“Oh my Gosh! I'm so excited!” Bulalas ni Kayne at hinila na naman ako papasok ng boutique.

I rolled my eyes and let her pull me anywhere.

Ang babaing ‘to lang yata ang kayang humila sa akin na aabot ng isang minuto ng hindi ko nababalian ng buto. Pasalamat talaga siya at kaibigan ko siya.

Ikinuwento ko kay Kayne ang tungkol sa plano ni Dad na pagpapauwi sa akin sa Pilipinas. Naisip niya na paano ko raw magagaya ang NERD look na ‘yon kong papasok ako ng school ng ganun yung itsura ko. Yes, it's a goddamn nerd. Gusto yata ni Dad na magmukha akong tanga. Alam naman niyang kabaliktaran ng isang NERD ang itsura at ugali ko. May nerd bang nanapak paggalit?

“I hate this kind of place,” nakabusangot ang mukha na turan ko nang makita ang dress section.

“Don't worry, hindi naman ‘yan yong para sayo.” Mataray na sambit ni Kayne.

She's a half blooded Russian and a goddess. She learned Filipino language because according to her, it was interesting and the way I speak using it was cool. Particularly when I throw a sarcastic remark. She thinks it was amusing. Hindi niya alam na totoo ang mga pinagsasabi ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ko naging kaibigan ang babaing ito. I'm a complete opposite to her. Whether it was because of her family background or her natural self, she's seen as a prim and proper lady, while I was a perfectly improper person.

Taming The Gang Leader [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon