Noong bagong likha pa lamang ang kalawakan ay isinilang sa isang sulok nito ang daigdig. Sa paglipas ng panahon ay nagbunga ito, at unti-unting napuno ng kulay dahil sa mga nilalang na sumibol mula sa kanya.
Mula sa daigdig ay isinilang ang dalawang magkapatid, si Danawi at si Raga. Ang panganay na si Danawi ang namuno sa sangkalupaan. Taglay ng kayumangging balat nito ang kasaganahan ng kalikasan. Sa mala-ginto niyang mga mata ay matatagpuan ang mga kayamanan ng mundo. Balingkinitan man ang dalaga ay dama ang ugong sa bawat yapak nito, dahil siya ang diwata ng lupa.
Si Raga naman ang namahala sa karagatan at sa lahat ng yaman nito. Sa kanyang dugo dumadaloy ang buhay ng daigdig at ng mga nilalang na naninirahan dito. Nasa bughaw niyang mga mata ang kapangyarihan ng dagat at kalaliman nito.
May pagkakapareho man sa anyo ng magkapatid ay magkaiba sila ng pag-uugali. Tahimik man ay mapusok si Raga. Sa likod ng tila mukha nitong tila mapayapa, may namumuo na palang daluyong ibang ibayo.
Nagsimulang mamuo ang daluyong na ito ng may napadpad na dayo sa kaharian ni Raga. Siya si Bulan, isang prinsipeng buwan na nagmula sa kalangitan.
Kaagad nabighani si Raga sa binata. Makisig at matipuno ito gaya ng ibang anito sa mundo, may taglay itong natatanging liwanag na umagaw sa pansin ng dalaga.
Sa tulong ng kanyang mga alipin ay dinakip ni Raga ang prinsipe ng buwan upang maging kabiyak ito. Ikinulong niya ito sa isang selda upang puwersahin ang prinsipeng mapa-ibig sa kanya at pumayag na maging kaagapay niya sa pamumuno ng karagatan.
Dahil nadakip si Bulan ay tuluyang nagdilim ang kalangitan sa gabi at nawalan ang tao ng gabay. Maraming trahedya ang naganap at mga manlalakbay na naligaw dahil sa pagkawala nito. Nabalot ng takot ang mundo sa bawat takipsilim, at lubusan naman itong ikinabahala ni Danawi.
Tinungo ni Danawi ang kaharian ng kapatid at nadiskubre ang sikreto nito. Ipinagbigay alam niya ito kay Aldaw, ang araw na hari ng kalangitan at ang ama ni Bulan, na matagal nang naghahanap sa nawawala niyang anak.
Kasama ang mga sundalong tala ay bumaba si Aldaw sa lupa upang iligtas ang kanyang anak sa taga-dakip. Nagsimula ang digmaan sa gitna ng puwersa ni Aldaw at Raga na nagdulot ng pinsala sa daigdig. Sa gitna ng gulo ay nakatakas si Bulan at nakarating sa hanay ni Aldaw na ikinagulat at ikinatuwa ng hari.
Agad na naglakbay ang kampo ni Aldaw pauwi sa kanilang kaharian habang mabilis silang masugid silang hinahabol ng diwata.
Ang bawat tinatapakan niyang lupaing ay nalunod sa baha sapagkat kaugnay ni Raga ang tubig. Nagulantang ang mga nayon habang patuloy na naghahanap si Raga, na may dalang delubyo kasama nito.
Nang matunton niya ito ay bakas na ang pagod at hina sa puwersa ng araw. Nang may mapanuksong ngiti sa mukha ay umakma palapit sa prinsipe ang diwata nang biglang dumating ang kapatid niyang si Danawi at pinigilan ito.
Panibagong digmaan ang naganap sa puwersa ng magkapatid. Dahil dito ay tuluyan nang nakatakas ang mag-ama at nakabalik sa kanilang kaharian.
Sa daigdig naman ay nagpatuloy ang labanan. Sa bawat pagkumpas ni Raga ay may dala itong puwersa ng tubig na siyang namang hinarap ng lupang nagmula sa kamay ni Danawi. Sa ganitong paraan din nailagan ni Raga ang mga atake mula sa kanyang kapatid.
Nagpatuloy ang labanan ng ilang oras hanggang sa natamaan ng higanteng bato si Raga at nawalan ng malay. Ito ang naging hudyat ng tagumpay ni Danawi na ipinagdiwang ng mga kakampi nito. Ipinatapon si Raga sa kaharian niya at nanatiling nakagapos ang diwata dahil sa pangambang magsisimula ito muli trahedya sa kanyang paggising.
Nanaig man si Danawi sa kanyang kapatid, balang araw ay gigising si Raga sa kanyang pagkakahimbing. Sa paggising nito ay magpapadala ito ng sugo upang pakawalan siya sa selda at ang sugong ito ang kikitil sa buhay ni Palan. Pagkatapos nito ay tuluyang na siyang aahon mula sa dagat upang angkinin ang kalupaan at balutin ang lahat ng naninirahan dito sa tubig.
--
Ito ang alamat na kinalakihan ng Hulaynon, at sa wakas nito magsisimula ang panibago nilang kuwento.
BINABASA MO ANG
When the Tide Comes
خيال (فانتازيا)Muling maghihiganti si Raga, ang diwata ng karagatan. Babangon itong muli at lulunurin ang sangkalupaan sa tubig. Ito ang alamat na kinatatakutan ng mga tao sa Hulaynon. Pagkalipas ng ilang libong taon, muling mahuhukay ang kuwentong ito sa pagdat...