Fading Away
Matapos kong umalis sa The Walton ay dumiretso muna ako sa bahay para iwan ang mga gamit ko. Ilang minuto pa lang na nasa bahay ay hindi ko na matiis dahil kapag mag-isa ako, naiisip ko lang lahat ng mga nangyari at nasasaktan lang ako ulit.
I decided to took a break at naglakad-lakad sa labas hanggang sa mapadpad ako sa isang café. Sigurado akong bagong bukas lang ito dahil hindi ko naman ito pansin noon.
Caféccino
“All you need to feel better”
I smiled as I read the tag line of the coffee shop. Kapag ba nag-order ako rito ay magiging maayos na ang pakiramdam ko? What a bait. Well, let's see. Without any hesitation, I entered the café. The ambiance is really relaxing, maraming halaman at maganda rin ang interior designs, no wonder ang daming naka-dine in. Agad akong lumapit sa mismong counter at bumungad sa'kin ang isang barista.
"Good day, what's your order, Ms. Beautiful?" ngiting bungad ng lalaki. Based on the name plate on the left side of his chest, his name is Kian.
"Just one cappuccino," tipid na sagot ko.
"Noted, I'll just serve it in a minute—"
"What's the order?"
Hindi na n'ya natapos ang sasabihin dahil nagalita ang bagong dating mula sa loob. Hindi na rin ako nakapagsalita at gulat na tinitigan si Stan. A-Ano naman ang ginagawa ni Stanley dito?
"Boss Stanley, tapos ka na ba sa bini-bake mo?" tanong ni Kian habang nagtitimpla ng kape.
"It's been awhile. Hindi ka nagsabi na pupunta ka," ngiting sambit ni Stan sa'kin at binalewala ang tanong ng kasama n'yang barista.
I chuckled and shook my head. "Hindi ko alam na ito pala ang café mo rito"
"Destiny, isn't it?" he chuckled at agad na inagaw ang kapeng ginagawa ni Kian.
"Tapos na ito, ako na ang—"
"Leave this to me," pamumutol ulit ni Stan at walang nagawa si Kian kundi ibigay sa kan'ya ang kape ko bago humarap ulit sa'kin. "Find a seat, I'll serve this now"
Tumango ako at agad na nilibot ang paningin hanggang sa makahanap ng walang nakaupo. I seated on a table near the glass wall.
"Here's your cappuccino," ani Stan at binaba sa lamesa ko ang order ko. I blinked twice nang makita kong may kasama na itong croissant.
"Hindi ako nag order nito," I chuckled while pointing to the other plate.
Naupo s'ya sa katapat kong upuan bago marahang tinulak palapit sa'kin ang croissant. "I tried to bake this and I want you to taste it"
"Thank you," ngiting sagot ko at napabaling sa ilang mga bagong dating na customers. "Baka kailangan ka na doon, dumarami na ang mga customers mo"
BINABASA MO ANG
Trilogy #1: Seducing, Mr. Walton
RomanceCOMPLETED Trilogy #1: Seducing, Mr. Walton "I will make you mine, Mr. Walton"