THREE

1.3K 35 5
                                    

Mr. Walton in Person


"Para sa panibagong taon ng buhay ni Venice! Cheers!"


"Cheers!" ininom ko ang wine na nasa baso ko at bahagyang sumandal kay Ven. Medyo nahihilo na 'ko dahil kanina pa kaming umiinom, bukod pa ang ingay ng paligid at ang mga nagsasayawang neon lights.


"Lauy! Let's dance!" sigaw ni Venice habang bahagyang sumasabay sa beat ng music.


"I can't! Nahihilo na 'ko!" I yelled and shook my head. Right, we need to shout at each other kahit pa magkadikit lang kami dahil sa lakas ng ingay.


"Halika na! Maraming bachelors ngayon, baka makabingwit tayo!" she said and dragged me to the dance floor kaya hinayaan ko na lang s'ya. Palibhasa ay sa high-end bar kami pumunta, sagot daw ito ni Stan bilang s'ya naman ang mas nakakaluwag. Speaking if him, Stan is busy talking with our colleagues kaya hindi na n'ya kami nakita.


Nakarating kami sa gitna ng puro taong nagsasayawan. This is freedom!


"Let's party!" I screamed and closed my eyes habang sumasabay sa beat ng tugtog. Hindi pa ako nakuntento at tinaas ko rin ang mga kamay ko, para akong ngayon lang nakalaya sa kulungan. Kahit isang gabi lang ay maramdaman ko manlang na dalaga pa talaga ako at parte ito nang pagdadalaga ko.


"Excuse me," someone whispered on me kaya napamulat ako bigla. Where's Ven? At bakit itong kung sinong lalaking ito ang nasa harap ko?


"Yes?" I asked and raised my eyebrow.


"Alone? Can we dance?" he asked me and licked his lower lip. I just nodded and wrapped my arms around his shoulder and started swaying. I don't care kung 'di ko kilala ang kasayaw ko ngayon. What's wrong with that? I'm enjoying here. Siguro kung normal na araw ay baka nasapak ko na 'to pero dahil minsan lang naman ito mangyari ay susulitin ko na.


Bahagya s'yang lumapit sa'kin at bumulong sa tenga ko. "Aggressive, I like that. Do you want to spend your night with me?"


Natauhan ako sa sinabi n'ya at nakita kong marahan n'yang hinahaplos ang bewang ko pababa sa maikli kong fitted dress kaya agad akong bumitaw sa kan'ya at pinilit na umalis. Naglakad ako hanggang sa abutin ako ng mga paa ko sa counter ng bar kaya sandali akong naupo at tinanaw si Ven. She's probably busy flirting kaya naiwan na 'ko and I can't go back to our place. Masyadong crowded at nahihilo na rin ako pero— bahala na! Akmang tatayo na 'ko nang may narinig akong usapan ng mga babae sa tabi ko.


"He's so sungit! Sayang lang at tinanggihan n'ya 'ko. Sa kama na sana ang bagsak namin"


"Baka 'di ka n'ya type. Alam mo naman ang mga gusto no'n base sa mga naging flings n'ya"


"Madalas s'ya rito kaya 'di ako nawawalan ng pag-asa. I wonder how good he is. Baka masira namin ang kama!"


Trilogy #1: Seducing, Mr. WaltonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon