FORTY

1.2K 34 1
                                    

Betrayed


"Stan, I t-think I have to go," paalam ko. Hindi ko pa yata kayang makita si Mr. Walton.


"'Wag muna, maya-maya ay nandito na rin si Venice. Siguradong na-miss ka n'ya," he chuckled and tapped my shoulder.


Tama nga s'ya dahil ilang sandali pa ay dumating ba rin si Venice kasama ang walang emosyong si Mr. Walton. Para akong sinemento nang magtagpo ang mata namin pag llapit nila sa table na naka-reserved.


"L-Lauren, nandito ka pala. Hindi sa'kin nabanggit ni Kuya," gulat na sambit ni Ven paglapit n'ya sa counter.


"Hindi ko na nasabi dahil sobra kang kinikilig kanina," natatawang sagot ni Stanley sa kapatid.


I furrowed my eyebrow with his remarked at bahagya na lang akong tumango bago pilit na ngumiti. "Dito na 'ko magtatrabaho"


"A-Ah, well. T-That's good," nauutal na sagot n'ya na ikinakunot ng noo ko. She looked so tensed.


"Bumalik ka na muna sa boss mo, ako na ang lalapit para sa orders n'yo," singit ulit ni Stan sa usapan namin.


"Mabuti pa nga," pilit na ngiting sabi naman ni Ven bago ako tinapunan ng tingin at bumalik sa table nila na nakapwesto lang sa tapat namin.


Sinundan ko pa s'ya ng tingin hanggang sa muli kong sinulyapan si Mr. Walton na maangas na nakaupo at nakaharap sa gawi namin. Nagsasalita si Ven sa tabi n'ya pero mukhang hindi s'ya nakikinig at nanatili ang masamang titig sa'kin.


"Do you really want to go home? You looked uneasy"


Napakurap ako sa titigan namin at kaagad na bumaling kay Stan na nasa tabi ko. "Hindi na, tutulong na lang ako rito"


Tumango s'ya bago lumabas ng counter at dumiretso sa table nila Mr. Walton para kunin ang order nila. Pinagmasdan kong mabuti kung paanong ang matalim na titig ni Mr. Walton sa'kin kanina ay agad na nalipat sa nakangiting si Stanley. Naguluhan ako nang agad na bumalik si Stan nang nakakunot ang noo. He doesn't looked okay. Ano naman kaya ang sinabi ni Mr. Walton?


"Lauren, pasensya na. Pwede bang ikaw muna ang kumuha ng order ng mayabang na boss ni Venice?" pakiusap ni Stan.


Wait, a-ako? Ayos lang ba s'ya?


"S-Sure, no problem," pilit na ngiting sagot ko at natatarantang kinuha ang menu bago nagsuot ng apron at naglakad palapit. Basically, this is my first day in working here dahil kay Mr. Walton.


Kinakabahan akong humarap sa kanilang dalawa. Hindi na rin ako nag-aksaya pang tapunan ng tingin si Ven dahil gusto ko na kaagad makaalis sa table nila.


"Here's our menu, may I know your orders?" magalang na bungad ko kasabay ng pag-abot sa kan'ya ng menu.


"From being my secretary to someone's waitress," sarkastikong hayag n'ya na ikinainis ko. How dare he?


Trilogy #1: Seducing, Mr. WaltonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon