Prologue

20 0 0
                                    

"Hoy! Bobo! Bilisan mo naman!" Kantiyaw sa akin ni Gaetan mula sa kaniyang motor dahil nagkakarera na naman kami.

"Ganiyan talaga pag broken, bumabagal!" Sigaw naman ni Milo at mas binilisan pa nilang dalawa.

Nginitian ko lang silang dalawa at mas binilisan rin ang pagpapatakbo, halos lumipad na yata ako sa bilis kaya naman nalagpasan ko silang lahat.

Malapit na ako sa dapat na finish line kaya sinubukan kong mag preno pero kinabahan ako noong ayaw nitong gumana.

Ilang beses ko ng pinipihit ang preno ngunit ayaw pa rin tumigil sa pag takbo ng motor.

"Hoy! Ang yabang mo naman, hanggang dito lang finish line oh, panalo ka naman na!" Natatawang sigaw ni Ian sa akin.

Ayaw pa rin tumigil kaya idirekta ko ang manibela hanggang sa nabangga ito sa isang malaking puno.

Naramdaman ko naman kaagad ang malakas na pag salpok nito at ang pag bagsak ng aking katawan sa sahig sabay pang nadaganan ako noong motor ko.

"Puta! Flynn!" Sigaw ni Milo.

Dumalo naman silang lahat sa akin pati ang kasintahan ni Milo na si Kida. 

Tinayo naman nila akong lahat hindi lang dahil nag aalala sila sa akin kundi dahil takot rin sila mahuli ng mga pulis o tanod dahil mga menor de edad pa kami. 

Mukhang wala namang napilay sa akin at puro galos lamang.

"Ayos lang ba siya?" Nauutal na tanong ng babaeng nasa likuran ng mga kaibigan kong pinapalibutan ako. 

Nagulat naman ako ng mtanaw ko kung sino ang babaeng 'yon...Si Raphaelle. 

"Raphaelle?" 

"Flynn? Ikaw pala 'yan." Sagot naman niya. 

Unti-unti naman akong itinayo ng mga kaibigan ko at inupo sa isang bench. 

"May dala akong first aid kit sa bag ko." Banggit ni Raphaelle.

"Ayon naman pala, jusko!" Sambit ni Gaetan.

"Sige, ako na muna ang bahala sa kaniya." sambit ulit ni Raphaelle.

Lumayo na ang mga kaibigan ko na dahilan para maiwan kaming dalawa ni Raphaelle.

"Bakit naman kasi ang bilis mo magpatakbo?" Tanong niya sa akin.

"May racing bang pabagalan?"

Diniinan naman niya ang pag gamot sa sugat ko matapos kong mag tanong pabalik.

"Aw!" Bulyaw ko.

"Bakit kasi kayo nag kakarera ni hindi naman 'yan legal! Tapos mapapahamak ka pa diyan."

"Oh, chill. Kung makapag alala ka akala mo naman girlfriend kita."

"Hindi ako nag aalala. Ang kapal ng mukha mo. Pasalamat ka nga ginagamot pa kita dito."

"Thank you." Then I smirked at her.

Marahan niyang hinaplos ang sugat matapos niyang gamutin ito.

Hindi ko alam paano o bakit pero pakiramdam ko, biglang nawala ang hapdi ang sakit noong sugat matapos niya itong haplusin.

It's like she healed my wound in a split second.

Heal - Bad Fairytale Series #10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon