(Joshua's POV)
Time: 10:37 am
🎵Wake up call🎵*Dilat mata*
Hayyy sarap ng tulog ko ah! Kaya Lang bakit Ganun Yung Amoy Dito sa hinihigaan Ko?.... Ayy kaya NAMAN pala puro laway yung punda ng unan ko😁 Halaaa nakakahiya baka maamoy ni fifth! Si fifth Kasi yung katabi ko sa Kama. Kaya Dali Dali kung pinalitan yung punda ng unan ko..Manolo: Ohh bro, papalitan mo na naman yan. Ehh kakapalit mo pa Lang kahapon Ah!
Ako: Ang baho na kasi bro eh! Puro laway na! Haha
Manolo: Ano ba naman yan bro!😷
Grabe noh magtatanghali na pero kakagising pa Lang namin! Ganito Talaga kami sa loob ng bahay ni Kuya eh late na matulog kaya late na din magising.
Ako: Good Morning sa inyo!😄 Kuya fourth tara luto na tayo ng umagahan!
Fourth: Sus next time na! Eh hindi Ka naman marunong magluto eh! Ipaubaya mo na lang muna sa amin ni Michelle ha Joshuaboy! Di bale next time turuan kita magluto!
Ako: haha kuya fourth talaga! Marunong kaya ako magluto. Alam ko magluto ng itlog at hotdog
Fourth: Hahaha! Ehh malamang prito Lang naman yun eh! Kahit bata kaya yun ikaw Talaga! Tsk tsk
Ako: Sige na nga kuya fourth! Basta next time turuan mo Ako ah!
Fourth: Oo naman ikaw pa👍
Nagtimpla na Lang Ako ng kape... Tapos pumunta Ako doon sa may bible area para magdasal🙏 Ganun kasi Ako eh bago ko simulan Ang araw ko eh nagdadasal muna Ako!🙏
Pagkatapos ayy pumunta ako sa labas at umupo sa may sofa. Ang Sarap kasi dito kapag umaga eh. Presko yung hangin tapos relax Lang habang umiinom ng kape!
Nagmumuni muna Ako habang nakatingin sa ulap pero nakapikit Ako ha.... Ng biglang naramdaman ko na may umupo sa tabi ko...
😳
😳
😳
😳
😳
Si Loisa!(Loisa's POV)
Pa-singit muna guys ha!😜 nakssss! PumiPOV na Ako!😜 gusto ko din ito na-experience eh! HahaKakagaling ko lang sa washroom. Tapos pumunta ako sa labas para makalanghap naman ng fresh air!
Tapos nakita ko Si Joshua na nakaupo sa may sofa habang nakapikit. Pinagmasdan ko siya.... Aba infairness ha! May hitsura din pala Ang mokong!May hawig siya sa long time crush ko na si John Lloyd Pag naka side view! Pero pag nakaharap na eh aba ewan na Lang! Hehe joke parang John Lloyd pa din na kulang sa paligo!
Tinabihan ko siya kasi Kawawa naman eh mag-isa Lang eh.
Ako: Aba Joshua! Loner ata natin ngayon ah?
Joshua: ehhh bakit ba nagmomoment Ako eh!
Ako: Ang sungit mo naman! Umagang umaga ah! Siguro hindi ka nakatulog ng maayos kagabi nohhh?
Joshua: Ano ka! Ang SARAP kaya ng tulog ko kagabi💤 kaya nga pag-gising ko eh puro laway na yung punda ng unan ko eh! Hahaha😂
Ako: hahaha loko loko ka talaga😂 Kwento ka naman tungkol sa buhay mo!
(Joshua's POV)
Loisa: hahaha loko loko ka talaga😂 kwento ka naman tungkol sa buhay mo!Crush siguro Ako neto! Kaya gusto niya malaman yung mga bagay na tungkol sa akin! Tsk tsk
Loisa: huyyy! Kapal mo naman, hindi kita crush noh!
Halaaaa! Nababasa ata niya yung mga naiisip ko! Kakatakot naman toh😳
Loisa: hindi naman Ako multo noh! Bakit ka naman matatakot?
Ahhhh alam ko na! Mind reader siya. Hahaha
Loisa: at mas lalong hindi Ako mind reader!
Ako: huhhhh ehhh Paano mo nalalaman yung mga nasa isip ko?
Loisa: ehhhh malamang kanina mo pa sinasabi ng mahina yung mga nasa isip mo!
Ako: ahhh ganun ba Sige na sorry!
Loisa: tssss sige okay Lang yun. Mabait naman Ako eh😄
Ako: Matakaw nga Lang! Hahaha
Loisa: cheee! Bilis mag-kwento ka na!
Ako: 16 years old Ako. Taga Batangas, ehh mapapansin mo naman sa accent ko diba? Batangueno na batangueno hehe! Naghiwalay yung mama at papa ko Nung bata pa Lang Ako! At tumigil din Ako sa pag-aaral kasi kulang yung pera pang tuition eh.
Loisa: Kawawa ka naman pala!
Ako: hindi Ako Kawawa noh. Mas naaawa Ako sa papa ko kasi siya Lang yung mag-isa na bumubuhay sa akin. Kaya nga Ako sumali dito eh para pag nanalo Ako kahit na 4th big placer Lang eh malaking tulong na din yun para sa amin.
Alam mo ikaw pa Lang yung first housemate na nakakakwentuhan ko ng ganito.Loisa: bonding bonding din kasi sa ibang housemates pag may time! Tsk ehh siguro mabarkada ka noh?
Ako: ahhh oo eh! Kaya nga gusto ko na magbago eh! Ikaw naman kwento ka naman tungkol sayo. Kanina pa Ako nagsasalita dito eh!
Loisa: 15 years old pa Lang Ako, ehh halata naman sa height ko diba! Lol tapos sa labas ng bahay may grupo Ako yung 3G! Yun kumakanta kami tapos sumasayaw din! Iniikot namin yung mga mall sa Paranaque! Hahaha! Ohhhh diba bata pa Lang Ako ehh kumakayod na! San ka pa.
Ako: aba ehhh Batak na Batak na pala yung mga buto mo! Hahaha jokee lang
Loisa: grabe naman yung Batak!😂
Ehhhh gusto ko din kasi tulungan sila mama at papa eh! Kulang din kasi yung pera namin sa pang-araw araw. Tapos ilan pa kaming magkakapatid! Dapat kasi Joshua gumagawa ka ng paraan! Hindi pwede yung pabarka-barkada ka na Lang! Wala ring mangyayari sayo kung patuloy ka na magiging ganun!Ako: Ang dami mo namang WOW!
Loisa: Ano yun?
Ako: Words of Wisdom!
Loisa: edi Wow😂 lol
Tama nga din naman di Loisa! Grabee 15 years old Lang ba Talaga siya? Na-realize ko na gusto ko pa makipagbonding sa kanya kasi may matututunan din Ako eh! Tsaka masaya din siya kasama!
Michelle: Joshua at Loisa tara breakfast na tayo!
Loisa: Sige ate Michelle susunod na kami!😃
Joshua: yieeeee excited na siya! Syempre kainan eh😜
Loisa: You know me! Syempre iba na kapag foods Ang pinaguusapan noh! Haha
Yes I know you! And I want to know more about you😊. Sa isip ko Lang yun ha!😜
At pumasok na kami sa loob ng bahay..
End of Chapter 6
BINABASA MO ANG
The Story of Us (Joshane)
Teen FictionThe Journey of Jane and Joshua inside the PBB house :) I based my story of what really happened to Jane and Joshua inside the PBB house.