PROLOGUE

375 102 300
                                    

Je’t aime, My Captain is now boarding,

Let me drive you to the sky-high with your high imagination.

PROLOGUE

[Hai, hon! Nasaan kana? Nasa airport kana ba? Kung hindi pa, drive safely there. Papakasalan pa kita next month. I love you... so damn much.]

Narinig kong sinabi ni Cleo sa kabilang linya. My fiancee. 7 months narin kaming magkasintahan at noong isang linggo lang nagpropose ito sa akin. And I said, yes!

“Yes, hon. Nandito na ako. Kararating ko lang. Mamaya pa naman ang flight ko. Napaaga lang rito. Alam mo na early bird itong fiancee mo. Ayaw nale-late!”

Tumawa naman si Cleo sa kabilang linya. I smile bitterly. Mabuti pa siya nakakatawa ng parang wala lang. Habang ako parang hindi parin limot ang nakaraan.

[Bye, hon. Call you later. Umiiyak na naman ang kambal. Mana siguro sa iyo noong bata ka pa! Iyakin.]

I chuckled softly. “Paano mo naman nasabi, ha? Iyakin ka rin naman noon sabi ni Tita Eva. Akala mo wala akong alam ha! Tumutulo pa nga sipon mo dati. Remember, noong high school? Grade 8 tayo noon! Nakakadiri ka noon, hon. Yuck! Haha!”

Wala akong natanggap na sagot rito mula sa kabilang linya. Bagkus ay narinig ko ang malakas na pag-iyak nang kambal. God! Pinapahirapan nila si Cleo. Ang future Papa nila. Narinig ko pang kinakantahan ito ni Cleo ng twinkle twinkle little star at Barney para tumahan.

[Sorry, hon. Talk to you later. Ayaw tumahan ng kambal. Patahanin ko lang. Ayaw yata akong ipaka-usap sa iyo. Haha! Take care, hon. I love you so damn much!]

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. But I still manage to say I love you too, on him. Bago ko ibinaba ang tawag.

I sighed and breathed deeply. Pupuntahan ko pa si Mr. Baja. Ipapakilala niya ako sa magiging head ko na galing pang ibang bansa. Kararating lang kanina galing ibang bansa, turan pa nito kanina sa tawag. May dugong pilipino raw ito at ilang taon rin nawala sa pilipinas dahil mas piniling magtrabaho sa ibang bansa. Malaki naman ang sweldo rito sa Pilipinas pero iba parin talaga kapag na sa ibang bansa ka magpiloto magiging doble o magiging triple ang sahod mo kada buwan. Malaki ang flying pay rito sa Pilipinas dagdagan pa ng allowance by month at saka basic payment. Paano pa kaya sa ibang bansa?

May mga binati pa akong kapwa piloto ko bago tuluyang maabot ang opisina ni Mr. Baja. Na sa hulihan ang opisina nito malayo sa entrance kaya kailangan pang lakarin ng mga a hundred steps siguro.

Naabutan kong nagpipirma ng mga papeles si Mr. Baja pagkapasok ko sa opisina nito. Kaagad napatigil si Mr. Baja sa kaniyang pagpipirma ng makita ako. Siguro na sa late 60’s narin si Mr. Baja, base narin sa itsura at buhok nitong maputi.

I greeted him as I sat on the chair infront of him. Inalis nito ang eye glasses nito sa mata at mataman akong tinitigan bago bumaling ng tingin sa kaliwa niya. Ngayon ko lang napansin na may isang piloto rin pala doon na nakaupo habang nakatungo ang ulo. Siya na kaya ang magiging head ko? I scan his whole body up and down. Maskulado ang pangangatawan nito. Ang suot nitong uniporme ay humuhulma sa kaniyang katawan at sa kaniyang nakadepinang braso. Halatang araw-araw na nag-eehersisyo. Alagang-alaga ang katawan.

“He will be your head pilot starting today, Ms, Mapa. He will be guiding you starting later. Lahat ng mga hindi mo natutunan kay Mr. Kim at sa iba pang piloto ay alam kong matototunan mo sa kaniya.”

Akmang sasagot na sana ako ng ‘okay’ ngunit naantala sa sandaling nakita ko ang buong mukha nito. My jaw dropped. Lumaki ang mata ko dahil sa gulat. I almost cussed. Mas pinili ko pang titigan ito ng ilang segundo, baka sakaling namamalikmata lang ako.

Je't aime, My Captain (Pilot Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon