"Hello, Mads!!!! Huy! Absent ka na naman pala! Hinahanap ka ni Maam Razon!"
"Joy, ano ba? Nag chat na ako sayo na absent ako. Mamaya na tayo mag usap. Nasa misa ako. May kanta kami."
"Kaya naman pala! Oh sige na. Sabihin ko na naman may dysmenorrhea ka. Nakailang regla ka na this month ha! Makakahalata na yun!"
"Eh ikaw na bahala anong next na dahilan mo. Go bakla!!! Saglit lang naman to, papasok rin ako after lunch. See you!"
"Ewan ko ba sayo. Inuuna mo yan kahit may recitation tayo. Try mo!!!!"
"Bawi na lang ako. Bye naaa kakanta na kami."
• End of phone call •
Hay nako naman. Hinahanap na naman ako ng bespren ko dahil for the nth time, MIA na naman ako sa klase and as usual, may engagement kami. Nainvite ang choir naming kumanta sa mass funeral ng ex-ambassador of the Philippines to Japan. Taray diba? Mga may katungkulan kaya kailangan full force ang mga suppliers nila kasama na rin kaming choir.
Engrande yung funeral mass dahil walong pari ang nagmimisa. Tapos puro awrang mayayaman yung mga bisita dito at umattend ng libing. Halatang halatang hindi lang mga middle class at poorita ang mga nandito. Alam nyo yun, yung kutis pa lang alam mo nang may sinabi sa buhay. May mga sikat na personalidad, mga pulitiko at kilalang tao ang nandito. Grabe, sana all!!!
Kaya eto kami, kuntodo awra din ng costume. Filipiniana at naka barong ang eksena ng OOTD namin ngayon.
Iniisip ko pa nga rin yung recitation namin. Mainit pa naman ulo sakin ni maam Razon lalo pag nalalamang absent ako. Puro dysmenorrhea ba naman kasi dinadahilan ng bespren ko. Hay bahala na nga.
Kakatapos lang namin kumanta ng recessional song, etong dalawang kasamahan ko naman sa choir, mga nagkakalabitan at dinamay na rin ako.
"Mads, nakita mo ba?"
"Huy Cha! Wag ka naman halata masyado! Baka marinig ka sa mic!"
"Kunyari ka pa Pat! Crush na crush mo rin naman! Ikaw ba Mads? Kita mo ba yun? Ang gwapooooo sheteee!"Iniisip ko na nga kung babagsak ako sa recitation, tapos dumagdag pa tong dalawang napakaingay kong mga kasama. Napakalalandweee! So ako naman bilang sasakay na lang din ako sa trip nila..
"Ang ingay nyo! Saan ba? Sino ba dyan?""Jusko ayun oh! Yung nakabarong! Yung medyo maitim na lalaki. Yung katabi nung asawa ng ambassador!"
At kasabay ng parang slowmo na paghawi ng mga tao sa paligid, parang biglang naririnig kong kumakanta sa utak ko ang The Carpenters..
Why do birds suddenly appear
Every time you are near?
Just like me, they long to be
Close to you"Shete Maddison!! Kita mo?"
Naningkit na yung mata ko kakahanap ng gwapo pero di ko pa rin maaninag yung sinasabi nila. At si Pat tinuturo na ng daliri nya at feeling ko nakakahiya na dahil baka nakikita na kami ng ibang tao.Why do stars fall down from the sky
Every time you walk by?
Just like me, they long to be
Close to you"Ano? Diba? Siya na ang definition of PERFECTION!!!" Sabi ni Cha habang may paghawak pa ng dalawang kamay at nagbbeautiful eyes pa. Yak!!!
Hinagilap ng mga mata ko ang lalaking tinutukoy nila. Nakabarong, kayumanggi, at katabi daw ng asawa ng ambassador.
At sa pagkakita ko sa kanya, parang lalong lumakas yung volume ng kanta ng The Carpenters sa utak ko
On the day that you were born the angels got together
And decided to create a dream come true
So they sprinkled moon dust in your hair of gold and starlight in your eyes of blueInfairness, gwapo nga siya. Parang naghahalong inosenteng medyo bad boy ang itsura pero alam mo disente dahil sa buhok nyang parang bawal mahawakan tapos parang walang pores yung mukha?
Apura pa rin kakatili yung dalawang kasama ko. Naghahampasan na yata sila sa gilid ko. Pero di pa rin maalis yung tingin ko sa kanya habang nakikipag usap siya at tinatapik ang likod ng asawa ng ambassador. Magkamag anak kaya sila?
Malungkot yung mukha nya pero gwapo pa rin sya. Pano pa kung nakangiti sya?
"Huy Mads?? Nakatingin sya sayo??? Omgggg!!!!!!!!!!!"
Shit! He's looking at me! And what's worse is nakita na niya akong nakatingin sa kanya bago pa sya tumingin sa akin. Nakakahiya!!!
BINABASA MO ANG
Everything I Never Had
Romancethelivingtaro©️ All rights reserved Sabi nila, ang namumuhay sa musika ay namumuhay rin sa pag-ibig. I'm in love with my passion, singing. Sabi ng mudra ko, three years old pa lang daw ako, kumakanta na ako. Laging nag pperform kahit nung kindergar...