Chapter 4: The Dare

6 0 0
                                    

Chapter 4:

"I dare you to confess that you like him and kiss him after."

Para akong nabingi ng ilang segundo matapos marinig ang mga salitang iyon. Hindi ko rin alam kung saan dapat magimbal; kung sa katotohanan bang isang presidente ng counsil si Glen o sa dare na kailanma'y napakahirap gawin. Parang bombang sumabog sa utak ko ang mga narinig mula sa kanya. Pati mga kasama ko ay napasinghap sa narinig.

Natulala at napatitig na lang ako kay Lea habang may gulat sa mukha.

"Ano, Sunny? Go on. Gawin mo na ang dare." Lalong lumawak ang ngisi sa kanyang labi habang sinasabi 'yon.

"S-Seryoso ka ba sa pinapagawa mo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Do I look like I'm joking?" Napaikot lang siya ng mata.

"P-Pero kasi napaka-imposible ng pinapagawa mo! Hindi ko kayang gawin iyan! Iba na lang!"

"Oh, c'mon, Sunny. Kaya nga dare, e. Gagawin natin ang mga imposibleng bagay. Kita mo nga, hinalikan ko ang ex ko sa harapan ng girlfriend nito. Pati ibang mga kasama natin sobrang nakakahiya ang mga dare na ginawa pero nagreklamo ba sila? Don't tell me duwag ka?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Hindi ako duwag-"

"Edi patunayan mo. C'mon, Sunny. You are a good actress. Sisiw lang sa iyo ang mga ganitong bagay."

"Pero-"

"Don't be unfair, Sunny. Bawal ang KJ dito," singit ni Eya na ngayon ay nakasimangot lang.

Kumunot lang ang noo ko. Unti-unti ko ring nararamdaman ang kakaibang tensyong bumabalot sa sistema ko. I'm getting nervous already. Nagpapatunay roon ang malakas na kabog ng aking dibdib.

"Hindi ako KJ. Sadyang hindi lang makatao ang ipinapagawa ninyo sa akin," sabi ko.

"Makatao man o hindi, unfair pa rin kung tatanggi ka," sagot ni Benedick na may kakaibang ngisi na sa labi.

"Oo nga. Nagawa naman na namin ang confess at kiss, e, kaya hindi ka na mahihiyang gayahin ang ginawa namin," dagdag ni Miks.

Binigyan ko agad siya ng hindi makapaniwalang tingin. "Pati ba naman ikaw, Miks?"

"Bakit? Ayaw mo no'n? Isang president counsil na ang hahalikan mo, tatanggi pa? Gwapings na iyan, te, mag-iinarte ka pa?"

"Pero unfair din iyon sa akin! Confess and kiss? Seriously? Dalawa ang gagawin ko samantalang kayo isa lang?" Tiningnan ko sila isa-isa. Pero lahat sila ay iisa lang ang reaksiyon sa mukha; simangot. Iyong iba pa ay napairap lang.

"Ano naman? Dare pa rin iyan na hindi pwedeng tanggihan. Remember, may punishment tayo. At hindi lang basta-basta ang punishment na ipapagawa sa iyo," saad ni Eya.

"Pero-"

"Dali na, Sunny. Kaya mo iyan! Ikaw pa? E, best actress ka kaya! Malaki ang potential mong sumikat balang araw. Kaya gora na!" singit ni Lea, kinindatan pa ako. Pero alam kong nang-uuto lang siya. E, dakilang palaban kaya siya. Gusto nga laging nangunguna sa lahat kaya napaka-imposibleng galing sa puso ang mga sinasabi niya.

"Sige na, Sunny, para matapos na," dagdag ni Miks.

Napapikit na lamang ako nang mariin saka bumuntong-hininga. Ayokong gawin ang dare nila. Sobrang labag iyon sa kalooban ko dahil bukod sa magiging first kiss ko ito ay hindi talaga makatao. Isa pa, nakakahiya!

Ano na lang iisipin ni President Glen pagkatapos? Baka mag-assume iyon na gusto ko nga siya tapos iisipin niyang isa ako sa mga babaeng patay na patay sa kanya.

A Dare For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon