"Paano nga ba mag-move on?" Yan ang laging tanong ni Rockie sa kanyang sarili. Gustong gusto niyang maka-move on over Rence pero hindi niya magawa-gawa. Sa sobrang pagmamahal niya dito ay nakalimutan niya na ang sarili niyang kapakanan kaya hirap na hirap na siya ngayong naiwan siyang mag isa. Sa pagdaan ng araw ay parang nalilito siya sa mga taong sunod sunod na dumaraan sa buhay niya. Nais ba ng mga ito na tulungan siya o para lalong ilugmok siya sa kalungkutang kanyang nadarama?