May mga sumusulat dahil malungkot Yung tula na rin mismo yung mga luha nila, higit pa sa papel na lukot May mga sumusulat dahil masaya Yung galak nasa pagitan ng bawat letra Sa bawat tula, Naniniwala akong may kwento May kwentong hindi direkta May kwentong tago, nakatago Hindi lahat ng tula ay natatapos at buo Parang buwan, kahit madilim, kalahati, hindi napapagod ang dalawang mata na pagmasdan ito Hindi rin lahat ng tula na tapos na ay tapos na talaga, walang katapusan Malawak din ang tahanan ng buwan kasama ang mga bituin, marami ang masaya at natutuwa sa kalawakan Sa balon ng Tula Kulay ang matatagpuan mo sa ilalim Dilim man ang hiniling Sisirin mo Magpakalunod ka Ibang paglaya ang mahahanap mo Makakahinga ka Mataas man ang poste nalunod na rin ako, Maglakbay ka Makata, tuklasin ang sariling kwento sa natatagong mundo. Ang tula ay tulay sa ibabaw ng dagat ng mga nakasabog na salita Ako ang pako na patuloy na bumabaon sa kada dagok ng panahon Ininda ko ang pagsabog na kahit iba ang may dulot, malala Nakakalunod, ang hirap makaahon Gusto ko pang sisirin ang kadiliman, Alam kong hindi ako nag-iisa Marami pa ang nagtatago, sadyang ako sa ngalang 'Posteng Makata'.
63 parts