"The moment I felt my heart is beating crazy while I looked at you that day. Alam ko, ikaw na ang gusto kong makasama habang buhay." TEASER: Lumaki si Andie na namulat na malaki ang galit ng kanyang Lolo Julio sa mga Hapon. Sabi ng Mama niya, iyon daw ay dahil sa pagsakop ng Japan sa Pilipinas noon unang panahon, at ang Lolo daw niya ay muntik ng mapatay dahil sa mga ito, bukod doon ay isa sa mga biktima ng giyera na ikinamatay ang mga magulang nito. Kaya naman banned doon sa bahay nila ang kahit anong may kinalaman sa Japan. Pagkain, palabas sa TV, kanta at kung anu-ano pa. Bilang big fan ng anime at ng mismong bansa na iyon, struggle kay Andie kung paano itatago sa Lolo niya ang mga binibili niyang anime figures at manga. Kapag nahuli kasi siya ay tiyak na uulanin siya ng sermon, or worst, baka sunugin nito ang mga koleksiyon niya. Pero tila nilalapit siya ng tadhana sa bansang Japan, matapos siyang magkaroon ng pagkakataon na makapunta doon. Hindi nagdalawang isip si Andie na tanggapin ang oportunidad na iyon, kapalit ng pagsisinungaling niya sa kanyang Lolo. Doon ay nakilala niya ng personal si Reiji Yamada. Kay Reiji siya bumibili ng mga original anime figures, at tanging sa online chat or video call lang sila nagkakausap. Sa panantili niya doon, nagkaroon si Andie ng pagkakataon na makilala ng mabuti si Reiji. Mas lalo silang naging close ng makasama niya ito sa pagto-tour sa Japan. Sa paglalim ng pagkakaibigan nila, hindi napigilan ni Andie na lumalim din maging ang kanyang pagtingin sa binata, she falls in love with him. Pero sa umpisa pa lang ay wala na yata siyang pag-asa matapos sabihin ni Reiji na may gusto itong isang babae. Kaya naman pinili ni Andie na iwasan ang binata at pigilan ang nararamdam kahit na mahirap. Few days later before she goes back to the Philippines. Isang pangyayari sa nakaraan ni Reiji ang nalaman ni Andie na nagdugtong sa kanilang dalawa.