(Prologue) Sa gitnang bahagi ng Seoul, Korea matatagpuan ang isang bahay paupahan. Isang bahay paupahan na pinangalanang Waikapu Guest House, pagmamay-ari ito ng magkakaibang sina Jisoo, Lisa at Seulgi lahat ng perang naipundar nilang tatlo ay nilaan nilang lahat sa pagpapatayo ng nasabing paupahan ngunit sa bandang huli ay unti-unti silang nalulugi. Kasama din nilang naninirahan sa guest house ang bestfriend ni Jisoo na si Park Chaeyoung. Kim Jisoo, ang pinakapasaway sa grupo sya ang naka isip na ipatayo ang Waikapu Guest House sa pag-aakalang ito ang mag-aahon sa kanilang tatlo mula sa kahirapan. Isa din itong actress ngunit hindi naglaon ay nalaos ang kanyang kasikatan kaya ngayon ay pa-extra extra na lamang sya sa industriya ng drama. Lisa Manoban, pinakatahimik sa grupo. Isa itong magaling na mang-aawit at composer nung nag-aaral pa ito ngunit ngayon kagaya ni Jisoo ay hindi rin umusbong ang karera nito kaya sa huli sa mga lamay, birthday at kahit ano pang okasyon na nangangailangan ng isang singer sya nagsi-sideline. Kang Seulgi, ang pinaka mabait sa grupo hindi gaanong matalino ngunit hindi rin naman masasabing bobo paminsan minsan lang kaya kadalasan ay madali itong maloko. Isa itong baseball player ngunit mula ng ma-injury habang naglalaro sa isang world cup liga ay tuluyan itong nabangko. Paano kung isang araw ay muling dumating sa kanilang buhay ang babaeng sabay sabay na nagpatibok ng kanilang mga puso? Ang nag-iisang babaeng naging first love nilang tatlo nung high school, si Jennie Ruby Jane Kim. At ang malala pa ay sa guest house din ito titira kasama nilang tatlo. Anong gulo ang mangyayari sa apat na sulok ng Waikapu Guest House?