Kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, kahit ginawa at ibinigay mo na ang lahat sa kanya kung sadyang hindi siya nakalaan para sa'yo ay darating at darating ang araw na kakailanganin mo na rin siyang palayain. Masakit ngunit minsan ay kailangan mong magparaya kung alam mong wala nang magandang patutungunan pa ang inyong pagsasama. Darating ka sa puntong iisipin mong may kulang sa'yo kaya ka niya nagawang ipagpalit at lukuhin. Ngunit ang napakasakit pa sa lahat ay ang bagay na akala mo ay di mo kayang ibigay sa iyong asawa pero nagawang ibigay ng ibang babae sa kanya, ang pangarap na sabay niyong binuo pero matutupad kasama ang ibang babae.