Sa kabila ng magulo at puno ng misteryo na pagkatao ni Ligaya ay inibig pa rin siya ni Alfonso. Hanggang sa naisip ni Ligaya na gamitin ang lalaki upang makatakas sa kaniyang madilim na nakaraan. Pinakasalan niya si Alfonso kahit wala siyang pagmamahal na nararamdaman para dito. Ngunit sa sandaling nahuhulog na ang loob ni Ligaya kay Alfonso ay saka naman siya mumultuhin ng kaniyang nakaraan. Hanggang kailan siya kayang mahalin ni Alfonso? Makakaya pa bang ipagpatuloy ni Ligaya ang pagmamahal sa lalaking unti-unti na niyang iniibig kung maaaring ang buhay nilang dalawa ang magiging kapalit?
22 parts