[NIKA SERIES #1] Veronika Azusa Ficarro, isa sa mga kilalang fashion designer sa bansa at sadyang tinitingala ng lahat. Ang lahat ay kaniyang nakukuha maliban sa isang lalaking mahigit isang dekada na niyang hinihintay at hindi nagsasawang ipaalala sa taong iyon na kahit na anong gawing pangtataboy nito ay hindi siya pinalaking mabilis sumuko, nagawa niyang hindi tanggapin ang malaking oportunidad para lang sa isang lalaki. Ngunit tapos na ang isang dekadang paghihintay niya dahil sa isang gabing tuluyang bumago sa kaniyang buhay. Tuluyan itong napagod at piniling lumayo hindi para ipagpatuloy ang oportunidad na ibinigay sa kaniya, kundi para tanungin ang sarili, kung dapat ba niyang bigyan ng karapatan ang lalaking iyon na malaman ang buong katotohanan? Started: November 01, 2020 Ended: May 02, 2021