Ariyah Mikaela Fortez, prinsesa sa isang kaharian ng España. Iba siya sa pangkaraniwang tao, may kapangyarihan na hindi kayang maipaliwanag ng kahit na sino. May katangian na sa kaniya mo lang makikita. Ang kapangyarihan niya ang nagsilbing gabay sa kaniya ngunit maaari kayang ito rin ang magdadala sa kaniya sa isang matinding kapahamakan o ito ang magdadala sa kaniya sa totoong kapayapaan? Ngunit, paano at anong kapangyarihan ito? Kanino galing at paano siya nagkaroon ng ganoʼng kapangyarihan? Paano kung dumating ang araw na kailangan na niyang pumili? Ano kaya ang kayang pakawalan ni Ariyah? Pag-ibig o kapangyarihan?