Dapat bang akusahan kapag walang sapat na ebidensya? Kahit ano pang pagpupumilit ni Hide Laurier hindi niya makuha ang inaasam na hustisya ng kaniyang kapatid na si Seek Laurier. Ang tanging suspek niya lang ay ang iisang babaeng hindi masabi ang katotohanan, walang iba kun'di si Ysreal Arison. Nahihirapan din siya dahil kahit walang ginagawa ang babae, may taong nagtatago ng ebidensya. Dagdag ba ito sa problema ni Hide? Desperado at naniniwala siyang si Ysreal ang pumatay sa kapatid kaya hindi niya ito tinitigilan. Ginawa niya na ang lahat ngunit wala talaga siyang makuha rito. Ang gusto niya sa babae ay makulong lang ito habang buhay para sa kapatid. Pero sabi nga ni Ysreal... "You're wrong. You accused me 'cause I stole your heart not for your brother." Ano nang gagawin ni Hide kung umiba siya ng landas? Gugustuhin niya pa bang makulong ang babae? O gugustuhin niya na lang itong mahalin at kalimutan ang hustisya ng kapatid? June 20, 2022. @ziryanggg