May makikilala talaga tayong mga taong hindi natin aakalaing magiging malaking parte ng buhay natin. Katulad ng mga side character sa pelikula, iisipin nating extra lang sila ng kwento natin ngunit may malaking gampanin pala na hindi natin aasahang magbabago sa karaniwang takbo ng buhay natin. Gaya ng istorya nilang dalawa. Para kay Cassandra, si Calvin ang plot twist ng buhay niya. Mula sa pagiging magkaklase, sa pagiging magkaibigan, hanggang sa pagiging magkasabwatan sa planong paghihiganti sa mga ex nila. At gaya ng mga nangyayari sa pelikula, hindi rin nila inaasahan na mahulog sa isa't-isa. Sa lalim ng nararamdaman, napuno ng pangko ang kanilang pagmamahalan... ngunit kaya ba nilang panindigan?