Chapter 30

15 2 0
                                    

Chapter 30: Pangako

His POV

Sa pagdaan ng mga sumunod na araw, mas napadalas ang pag-uusap namin ni Amore at ang pagsasama tuwing magpapanggap kami bilang parte ng plano. Inabuso ko talaga dahil iyon naman talaga ang tunay na intensyon ko.

"Guys, lapit pa kayo ng konti sa isa't-isa. Nagmumukhang awkward kapag malayo," rinig naming sabi ni Dexter na nagtuturo ng steps para sa performance task namin sa MAPEH.

Tinignan ko si Amore na nasa harapan ko at humakbang ng isa palapit sa kanya. Ganoon din ang ginawa niya ngunit hindi makatingin sa akin. Mas lumiit ang espasyo sa pagitan namin.

"Kamay mo," usal ko sabay lahad ng akin sa harap niya.

Nagkatinginan kami ngunit agad siyang umiwas bago ipatong ang kamay niya sa akin. Napansin kong medyo naiilang siya pero nagkukunwaring parang normal lang. Pinigilan kong ngumiti.

"Marunong ka palang sumayaw?" I tried to ease the awkwardness.

"Ngayon mo lang nalaman?" Tinaasan niya ako ng kilay, nagmamayabang.

Tuluyan na akong napangisi. "Bakit? Dati ba sumasayaw ka na rin?"

Tumango siya habang ginagawa namin ang kasunod na step na itinuro ni Dexter.

"No'ng elementary ah? Lagi akong kasama sa production number tuwing recognition."

Kunwari ko iyong inalala kahit ang totoo ay hindi ko naman nakalimutan ang sinabi niya dahil minsan na akong pumunta ng recognition day namin noong Grade 5 para lang mapanood siya dahil alam kong kasama siya sa sasayaw. Hindi kasi ako nakakasali dahil mga may award at honors lang ang pinapadalo.

"Mukhang magkasabay ulit silang umuwi."

Saglit kong sinulyapan si Amore sa aking tabi, nagtatago at pinapanood sina Ciara at Oliber matapos namin silang makitang magkasama pababa ng palapag.

Gusto kong ipakita sa kanila na wala na kaming pake sa dalawa. Gusto kong makita ni Oliber na hindi niya na pwedeng gambalain ulit si Amore. Gusto kong ipakita sa kanya kung ano ang magiging akin.

"Tara," sabi ko kay Amore.

Lumabas kami ng pinagtataguan at sinadyang unahan sila sa paglalakad na parang hindi sila kilala.

"Susunduin ka?" kaswal kong pagkakatanong kay Amore, sinadyang iparinig iyon sa nasa likod namin.

Tumango naman si Amore.

"Ihahatid sana kita. Hindi ka pa man din marunong tumawid," tumawa ako.

"Marunong ako," giit niya na kinaaliwan ko.

"Pero takot ka kapag mag-isa ka lang," tawa ko pa.

Naalala ko tuloy noong sundan ko siya pauwi, noong matapos ang radiobroadcast competition sa school. Magkasabay na umalis ng auditorium si Amore at Oliber. Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin na sundan sila ng palihim.

Gusto ko na sanang umuwi nang makita ko silang sabay na lumabas ng gate, iniisip na ihahatid ng lalaki si Amore, pero hindi ko alam kung bakit sinundan ko pa rin sila. At mabuti nalang ay ginawa ko dahil paglabas ko ay nakita kong mag-isa nalang si Amore, naglalakad.

Nasaan si Oliber? Bakit niya iniwan si Amore? Hindi niya ba alam na hindi siya natawid ng mag-isa?

Pinanood ko si Amore na ilang minuto pang katayo sa gilid ng kalsada na parang nag-aabang ng tyempo para tumawid matapos siyang sundan. Gustong-gusto ko siyang lapitan pero hindi ko alam kung bakit kinabahan ako noong mga oras na iyon.

Paninindigan Kita (Playlist Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon