Chapter 17

21 3 0
                                    

Chapter 17: Intensyon

Her POV

Nakatulala lang ako sa pintuan ng gym habang nakahalukikip na nakaupo sa bleachers, may kung anong naisip tungkol kay Calvin, nang may biglang humarang sa paningin ko.

Nag-angat ako ng tingin at hindi inaasahan na makita si Ciara sa harapan ko. Nagawa ko siyang pagmasdan ng mas malapitan.

Maganda nga ang babae gaya ng sinasabi ng ilan pero pangkaraniwan ang ganda niya. Para sa akin, hindi ganoon kalakas ang dating, pero totoong maganda naman siya.

"Si Calvin?" she suddenly asked.

Inasahan ko nang iyon ang sasabihin niya dahil wala akong maisip na rason para lapitan niya ako at makipag-usap dahil hindi naman kami close o ano.

"Nasa canteen ata," sagot ko.

Hindi nakatakas sa akin ang bahagyang pagtaas ng mga kilay niya. "Hindi mo kasama?"

"Bakit?" I asked as I slightly tilted my head. "Kailangan ba lagi kaming magkasama?"

I guess she found my tone a bit off when I said that, though being savage is not my intention.

Nginitian niya nalang ako bago ako talikuran. Pinanood ko lang ang pag-alis niya hanggang sa hindi ko mamalayan na nakasunod lang ang mga mata ko sa kanya.

Nakihalobilo siya sa mga kaibigan niyang babae na nakaupo rin sa bleachers, medyo katapat ng inuupuan ko ngayon.

Biglang pumasok sa paningin ko si Oliber nang lapitan niya ang babae. Pinanood lang sila ng mga kaibigan ni Ciara na parang mga sanay na sa nakikita.

Alam kaya ni Oliber na gustong makipagbalikan ni Ciara kay Calvin? 

"Tubig mo."

Naialis ko ang tingin doon at inilipat iyon kay Calvin na nakatayo na sa harapan ko. Hindi ko namalayan ang pagdating niya.

Walang imik kong kinuha ang bote ng tubig sa kanya at hindi na ulit siya tinignan. Nang tumabi siya sa pag-upo ay parang gusto kong tumayo.

"Nakita kong magkausap kayo ni Ciara. Anong sinabi niya sayo?"

Hindi ko na siya napigilang lingunin. So, nakita niya kami?

"Hinahanap ka," maiksing sagot ko.

Hindi siya sumagot. Gusto kong makita ang reaksyon niya pero kailangan ko naman siyang iwasan. Sa huli ay tumayo nalang ako at akmang aalis na upang hanapin ang mga kaibigan.

"Saan ka?" pigil niya sa akin.

Saglit ko siyang nilingon. "Kila Dex."

"Nasa canteen pa sila," aniya.

Tumango lang ako kahit hindi naman siya nagtatanong o ano at muling umamba sa pag-alis nang tawagin niya ulit ako.

"Amore."

Napapikit ako nang marinig iyon. Bakit ba siya Amore ng Amore? Pwede namang Cassandra nalang? At bakit pa naging big deal ang pagtawag niya sa akin ng ganoon?

Bahagya akong nag-panic nang maglakad siya papunta sa harapan ko.

"Iniiwasan mo ba ako?" daretsahan niyang tanong.

"Huh?" maang-maangan ko pang sabi.

His forehead slightly creased as he examined my reaction. "Bakit?"

Hindi siya naniwala sa pag-akto ko at kumbinsidong iniiwasan ko nga siya.

"Hindi naman kita iniiwasan," palusot ko.

Paninindigan Kita (Playlist Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon