Chapter 22: Desidido
Her POV
"What if... itigil na muna natin 'to?"
Nagkatitigan kami ng ilang segundo, parehong hindi alam kung anong kasunod na sasabihin.
Alam kong nagulat ko siya sa biglaan kong pagtatanong ng ganoon. Kahit ako ay natigilan din nang sandaling mapagtanto ang biglaan kong pagpapasya.
"Ayaw ba ni Tita sa akin?" tanong niya matapos ang ilang sandaling katahimikan.
Umiling ako. "Hindi sa ayaw ka niya. Hindi palang daw talaga ako pwedeng mag-boyfriend."
Napatango siya at muling nag-isip. Hindi ko alam kung paano ko iha-handle ang pinag-uusapan namin dahil ito ang unang beses na makita ko siyang ganito ka-seryoso.
"Sinabi ko sa kanya na nag-uusap lang naman tayo, pero pangit daw tignan na ganito pero... hindi naman daw tayo," maya-maya kong sabi.
Tinignan niya ako. "Pwede ba akong pumunta sa inyo?"
"Ha?" gulat kong reaksyon.
"Gusto kong kausapin si Tita." Desidido niya akong tinignan.
"Bakit?" agad kong tanong.
Gusto kong umiling. Hindi niya pa kilala si Mama kaya ganito kalakas ang loob niya. Hindi niya alam ang sinasabi niya.
"Sasabihin ko 'yung tungkol sa 'tin. Sa nararamdaman ko sayo. Malay mo, magbago ang isip niya tungkol sa atin." There's hope in his face after saying those.
Tuluyan akong napa-iling. "Imposible. Kung anong sabihin ni Mama, papanindigan niya iyon."
Alam na alam ko iyon dahil iyon ang palaging sinasabi ni Mama sa amin ni Ate, na kapag may sinabi siya o ginawa bilang pasya, hindi niya na iyon mababago pa. May isang salita.
"Edi gagawa ako ng paraan para mabago 'yon."
Naibalik ko ang atensyon kay Calvin nang marinig iyong sabihin niya. I appreciated his sincerity and determination to prove the feelings he has for me to my mother. Even so, I can't help but feel worried about his plan on talking to her.
"Hindi ko alam..." Iyon lang ang nasabi ko habang iniisip kung ano ang possibleng maging reaksyo ni Mama kapag pumunta nga si Calvin sa bahay.
Paano kung pagalitan siya ni Mama? Ang malala, paano kung ipagtabuyan siya dahil sa galit?
"Gusto mo bang itigil natin?" Calvin slowly asked me.
Hindi. Ayaw kong tumigil. Iyon ang gusto kong isagot sa kanya ngunit hindi ko tuluyang masabi dahil bumabagabag ang sinabi sa akin ni Mama.
"Gusto mo rin ba ako, Amore?"
Our eyes locked for seconds of silence. No one bothered to break it.
Alam ko na ang sagot ngunit hindi ko iyon matugunan dahil nahihirapan akong umamin. Ito ang unang pagkakataon kong mapunta sa ganitong sitwasyon dahil hindi ako kailanman natanong ng isang lalaki kung gusto ko rin ba sila.
Bukod doon, hindi ako sanay na magsabi ng matatamis na salita sa ibang tao. Kahit sa pamilya ko ay hindi ko diretsang masabi na mahal ko sila dahil alam kong nararamdaman na nila iyon mula sa akin.
Kaya ngayon, hindi ko magawang ibuka amg bibig at sabihin sa kanya na, 'Oo, Calvin, gusto rin kita. Hindi ko man iyon agad na-realize pero noong makita kitang kausap si Ciara, doon ko pinagdudahan ang nararamdaman ko para sayo. Noong sabihin mo sa akin ang totoong intensyon ng plano mo. Noong magsayaw tayo noong prom. Noong maligo tayo sa ulan. You made all of those something significant that you could only make me experience and feel.'
![](https://img.wattpad.com/cover/354024210-288-k245810.jpg)
BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita (Playlist Series #2)
Novela JuvenilMay makikilala talaga tayong mga taong hindi natin aakalaing magiging malaking parte ng buhay natin. Katulad ng mga side character sa pelikula, iisipin nating extra lang sila ng kwento natin ngunit may malaking gampanin pala na hindi natin aasahang...