Chapter 20: Ulan
Her POV
"Class, wala tayong written examination this fourth quarter."
Parang nagkaroon ng maliit na selebrasyon dito sa loob ng aming classroom matapos iyong sabihin ng guro namin.
"'Yun oh!" Nanguna doon si Jero.
"Hindi ko na kailangan mag-review!" Ganoon din si Janine.
Nakatalikod sa unahan ko si Dexter kaya hindi ko makita ang reaksyon niya ngunit dahil nanatili itong nakaupo at walang galaw ay batid kong iba ang nararamdaman niya sa reaksyon ng karamihan. Kahit ako ay nanatiling walang reaksyon din habang iniintay ang sunod na sasabihin ni Ma'am.
"Bakit parang hindi kayo masaya?" rinig kong tanong ng babae nang mapansin kaming dalawa.
Hindi agad namin siya nasagot nang putulin ni Ma'am ang kasiyahan ng mga kaklase namin.
"Relax, class," she chuckled. "Hindi ibig sabihing wala kayong written exam ay wala na. You will be having your Opera as your final exam in MAPEH."
Nilingon kami ni Dexter, ipinapakita sa ekspresyon ng mukha na tama ang pakiramdam niya.
"Naisip ko na 'yan. Imposibleng wala tayong gagawin sa final assessment," aniya.
Nakinig muna kami sa panuto ni Ma'am. Sinabi niya na by section ang grading ng performance na itatanghal sa gym sa ikalawang linggo ng Abril, sa ikalawang buwan na darating. We now only have exactly one month and one week to prepare.
Dapat ay original story daw ang gagawin namin, pati ang mga kantang gagamitin. We can modify existing songs but with our own lyrics. Plus, the props. At sa MAPEH lang ito, bukod pa iyong ibang subjects na may activities at exams din. Parang mas gusto ko nalang palang mag-written exam.
"At least hindi na kailangan mag-memorize ng mga terms," maya-mayang sabi ni Janine.
"Medyo madali para sa atin. Eh kay Dexter," sabi ko naman sabay sulyap sa kaibigan.
"Anong ako lang?" Tinignan niya ako at tinuro. "Ikaw din kaya."
"Bakit ako?" gulat at nagtataka ko namang tanong.
"Ikaw ang kukunin kong co-director," he said assuringly. "Kung sakaling ako ang maging director."
"Kung sakali? Automatic na 'yun," natatawang dagdag ni Janine.
Gusto kong tanggihan ang pagpili sa akin ni Dexter bilang co-director niya dahil alam kong nakaka-stress ang trabahong iyon dahil lahat ng kaklase namin ang iha-handle namin. Ayaw ko ng stress.
Ngunit nang bigyan kami ng time ni Ma'am para mag-meeting at piliin siya ng buong klase bilang director, alam kong wala na akong takas sa pagiging assistant niya.
"Si Cassie ang co-director ko. Sino ang gustong maging head of staff para sa props and backstage?"
I only pouted, hopeless. Narinig ko ang pagtawa ng katabi ko. Nilingon ko si Calvin at tinignan. Ilang sandali ay may naisip ako dahilan ng pagngisi ko.
Muli akong humarap sa unahan kung saan nakatayo si Dexter. Si Ma'am naman ay nasa likod ng room at pinapanood lang kami. Nagtaas ako ng kamay na agad nakita ng kaibigan.
"Yes, Cassie?"
"Si Calvin daw, gustong maging head of staff," sabi ko na ikinagulat naman ng lalaki.
Nilingon ko siya. Mula sa unahan, gulat ang ekspresyon, nilingon niya rin ako. Nagtaas ako ng isang kilay at pilit itago ang ngisi. Akala ko ay magpo-protesta ito ngunit hindi ko inasahan nang pumayag siya.
BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita (Playlist Series #2)
Ficção AdolescenteMay makikilala talaga tayong mga taong hindi natin aakalaing magiging malaking parte ng buhay natin. Katulad ng mga side character sa pelikula, iisipin nating extra lang sila ng kwento natin ngunit may malaking gampanin pala na hindi natin aasahang...