Chapter 3: Titig
Her POV
Nakatulala kong tinanaw ang maulap na kalangitan mula sa bintana ng classroom namin, naiinip na hinihintay ang pagdating ng guro.
Katatapos lang naming sagutan lahat ng exam namin sa bawat subject kahapon. Wala naman kaming masyadong ginawa ngayon. Wala munang bagong lesson o aktibidad.
Sinandal ko ang likod sa sandalan ng aking inuupuan at nilaro ang hawak na ballpen sa mga daliri. Katatapos ko lang maglaro ng Call of Duty pati na rin ng Mobile Legends kaya ngayon ay nasawa na ako.
"Grabe si Sunoo, oh," usal ng katabi kong si Janine. "May time na gwapo, may time na maganda."
Nilingon ko siya. Ipinakita niya sa akin ang screen ng cellphone niya. Doon ko nakita ang picture ng paboritong K-Pop boy group niya na Enhypen.
Napatango naman ako, sumasang-ayon sa sinabi niya. Nagpatuloy siya sa pagi-scroll sa social media niya habang ako ay muling napatulala sa kawalan, unti-unting nakaramdam ng antok.
"Guys!"
Nawala ang aking antok nang biglang sumulpot sa harapan namin si Dexter. Naupo siya sa bakanteng upuan na nasa harapan ko.
"Baka gusto niyong sumali sa team ko? May radio broadcast competition kasing gaganapin next week, Friday," anunsyo niya.
Tinignan ko si Janine.
Tumingin din siya sa akin. "Sasali ka?"
"Need ng representative sa section natin. Sali kayo!" panghihikayat ni Dexter. "May plus points daw kay Sir Herbert, at kung manalo tayo, baka gawin na tayong exempted sa exam."
"Legit ba 'yan?" gulat namang tanong ni Janine.
Napa-isip ako. Mukhang maganda naman kung sasali ako dahil sa plus points, at kung papalarin, baka maging exempted pa sa exam. Bukod pa roon, maita-try ko rin 'yung ginagawa nila ate dahil dati siyang kasali sa radio broadcast group ng school nila.
"Sige," maiksing pagsang-ayon ko.
Napangiti si Dexter, "Sure na 'yan, ah? Wala ng bawian?"
Tumango ako.
"Ako rin sasali," si Janine.
"Okay! Welcome to the group!" Dexter excitedly announced.
May kinuha si Dexter sa bag niya, ibinalik naman ni Janine ang atensyon sa cellphone niya, habang ako ay nagpakalumbaba.
My eyes unconsciously went in front of our room. Namataan kong nakatayo malapit sa may blackboard ang dalawang kaibigan ni Calvin na sina Ethan at Jero habang siya ay nakaupo sa armchair ng isang bakanteng bangko.
Napunta ang tingin ko sa mga kaibigan nilang babae na nakaupo sa bangko, katapat lang nila. May kung anong ginagawa si Rina habang nagdadaldalan si Feya at Sarah.
Muli kong naibalik ang tingin kay Calvin. Nakikipagtawanan siya ngayon kay Ethan dahil sa kung anong sinabi ng lalaki sa kanya. Naalala ko ulit iyong tungkol sa kanilang dalawa ni Ciara.
Nilingon ko si Janine, "Break na pala si Calvin at Ciara?"
Napunta ang atensyon ng babae sa akin. "Oo, kaka-break lang nila."
"Bakit dawn nag-break?" I curiously asked.
Nagkibit-balikat ang babae. "Baka nasawa na kay Cal."
Hindi ko alam kung bakit ako natawa sa sinabi niya. Napatingin naman ako kay Dexter nang lingunin niya kami.
"Hindi ba may bago na si Ciara kaya nakipag-break?" he said which caught our attention and made us more curious.
"Totoo pala 'yun? Akala ko gawa-gawa lang," si Janine na parang may alam pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/354024210-288-k245810.jpg)
BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita (Playlist Series #2)
Ficção AdolescenteMay makikilala talaga tayong mga taong hindi natin aakalaing magiging malaking parte ng buhay natin. Katulad ng mga side character sa pelikula, iisipin nating extra lang sila ng kwento natin ngunit may malaking gampanin pala na hindi natin aasahang...