Last Chapter

30 3 0
                                    

Last Chapter: Paninindigan Kita

Nanatili akong nakatayo sa may pintuan habang tinititigan si Calvin na ngayon ay nakatayo sa tapat ng gate ng aming bahay.

Nakatingin din siya sa akin, naka-uniporme pa habang sakbit ang strap ng kaniyang bag sa kanang balikat, mukhang kalalabas lang galing school.

Naisip ko na agad ang rason kung bakit nandito siya ngayon matapos ang halos isang linggo naming hindi pag-uusap, ngunit pinigilan kong unahan ang naiisip dahil baka maging asyumera lang ako.

"Ako nalang pala ang bibili ng ice cream," rinig kong sabi ni Ate bago lumagpas sa tabi ko upang tuluyang lumabas.

Umayos ako ng tayo, nanatiling kalmado at walang ipinakitang ekspresyon sa mukha. Binuksan ni Ate ang gate at binati si Calvin. Muli akong nilingon ni Ate bago umalis at hinayaang bahagyang nakabukas ang aming gate.

"Anong ginagawa mo rito?" wala pa ring emosyong tanong ko bago humakbang palapit sa kinatatayuan niya.

I noticed how his stare slowly softened as he watched me walk towards him. Pinigilan ko ang sariling maapektuhan sa presensya niya kahit sa loob-loob ay parang gusto kong tumakbo papunta sa kanya.

"Makikipag-usap. Okay lang ba?" marahan at maingat niyang pagkakasabi.

Tumigil ako ng may sampung dangkal ang layo sa kaniya. Ang mababang gate ang pumapagitan sa aming dalawa.

"Akala ko ba okay na sayong hindi ako nakakausap?" Tinaasan ko siya ng kilay at pinilit na magmataray.

"Sinong may sabi?" he asked himself, confused by what I said, before looking back at me. "Wala akong sinasabing okay sa 'kin na hindi ka makausap."

Pasiring kong inalis ang tingin sa kanya, "Natiis mo nga ng ilang araw."

"Nag-chat ako sayo, Amore. Maraming beses," mahinahon niyang sabi, nanunuyo. "Ni-restrict mo yata ako kaya hindi mo nababasa."

Naibalik ko ang tingin sa kaniya na bahagya nang nakanguso. Unti-unti naman akong na-guilty dahil tama ang sinabi niya. Alam ko namang nagcha-chat siya dahil madalas ko iyong i-check kahit naka-restrict siya sa akin. Ang ikinapagtatampo ko ay 'yung hindi niya pagpunta sa bahay para personal akong makausap.

"Wala kang balak na makipag-usap ng personal?" I asked out of wondering.

"Meron," he immediately answered. "Nagtanong ako kay Tita kung pwedeng bumisita sa inyo nung isang linggo pero may exam ka raw kaya hindi ako pinayagan."

Naalala ko noong minsang tanungin ni Mama sa akin si Calvin habang nasa kalagitnaan ako ng pagre-review. Nabanggit niya na nag-chat sa kanya ang lalaki pero hindi ko iyong pinansin kasi nga galit pa ako sa kanya at kailangan kong mag-focus sa pag-aaral. Iyon pala 'yon.

"Balak kong kausapin ka at mag-sorry sayo no'n kasi alam kong nasaktan kita... Hindi ko dapat sinabi 'yon. Wala akong karapatang gawin 'yon dahil nililigawan kita."

Pinanood ko siya habang sinasabi iyon. Ramdam ko ang pagiging sinsiro niya at ang pagka-guilty sa mga nangyari na mas lalong nagpalambot sa akin.

"Kaya nag-chat nalang muna ako sayo pero..." Napatungo siya. "Hindi mo ako sini-seen."

I stiffened. Nagtatampo ba siya? Pinigilan kong may gawin at kunwari ay galit pa rin sa kanya habang pinapanood lang siya.

Tumingin siya sa akin at parang nabasa ang body language ko. "Pero naiintindihan ko naman. Nagalit ka sa akin, tsaka kailangan mo ring mag-review."

Pinigilan kong ngumisi nang bumawi siya. "Bakit ngayon ka lang pumunta?"

"Ngayon lang kasi natapos ang exam niyo," he answered in a soft tone.

Paninindigan Kita (Playlist Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon