LOVE MANIFESTO SERIES 5 [COMPLETED] Hindi ba talaga pwedeng mahalin tayo pabalik ng mga taong minamahal natin? *** Matagal nang tanggap ni Angel Tan na kakaiba siya sa lahat ng mga babaeng inaasahan ng madla. Mas gusto niya ang laruang baril kaysa sa mga manika, mas gusto niyang magsuot ng rubber shoes kaysa sa sandals, at mas gusto niyang sumama sa mga bugoy kaysa sa mga dalagita. Maraming babaeng may ayaw sa kaniya dahil iniisip ng mga ito, masiyado lang siyang maarte at baka mas gusto nitong napapalibutan siya ng mga lalaki. Pero hindi niya iniinda 'yon. Lalo na't nasa tabi naman niya ang nag-iisang babaeng nakalusot sa buhay niya-si Cassandra Lazaro. Ang best friend niya. 'Yon nga lang, tanggap man niya ang sarili niyang kaibahan-hindi naman ito klaro san pang lahatan. Pati na rin sa sarili niyang kaibigan. Sa tinatago niyang nararamdaman para rito, mangyari pa kayang maliwanagan si Cassandra sa tunay na nararamdaman ni Angel para sa kaniya? O, habang buhay na lang niyang itatago ang pagmamahal niya rito sa takot na hindi nito kailanman matatanggap ang nararamdaman niya? *** Love Manifesto Series #5 Date Started: 10/22/23 Dated Ended: 01/14/24