(1941-1942) Isang dalagang manunulat sa panahon ng pananakop ang nakaranas ng pagmamalupit at pananamantala sa kamay ng mga hapon. Ngunit sa kabila ng paghihinagpis at sakit na kaniyang naranasan ay nagawa niya paring hintayin ang kaniyang sundalong sinisinta na ipinadala sa giyera upang labanan ang mga mananakop na mga hapones. Ating tunghayan ang kuwento ni Sonata at kung paano niya nagawang tiisin at labanan ang kaniyang masalimuot na tadhana.