"Diba sabi ko sayo wag na wag mong uutusan si Kazzlyn. You have no rights." Sigaw ni Zyon. "At bakit hindi? Katulong siya dito, dapat lang na utusan yan. Ano gusto mo? Gawing reyna yan dito? Diba yan ang gusto mo? Gusto mo ikaw lang ang mag uutos. Écheis emmoní mazí tis, gi' aftó symperiféresai étsi." (You are obsessed with her, that's why you act like that.) Sigaw nito. "Den eínai dikí sou douleiá." (It's none of your business) Madiing sabi ni Zyon. Tapos bigla ito umalis, sa kusina pala pupunta. Pag balik nito may dala itong gunting. "Anong gagawin mo?" Kabadong sabi ni Calandra. "Watch me!" Nakangisi nitong sabi. "Mom!!" Tili ni senyorita Calandra. "Z-zyon, tama na yan." Mahina kong sabi, ngunit hindi ito nakinig. Inangat niya ang dress ni senyorita Calandra at ginupit niya ito ng dahan dahan. "Mom!!" Sigaw ni senyorita. "Mom, si kuya!" Pasigaw nitong sumbong. Yung pag gupit na ginawa niya ay hindi naman sabog sabog duktong dukto pa rin ito ngunit gupit gupit na. "This is yours, right?" Sabi ni Zyon tapos lumapit kay senyorita. Nakakuyom naman ang kamao ni senyorita habang nakatingin ng masama sa kuya niya at sakin. "Lamunin mo!" Galit na sabi ni Zyon at inihampas sa muka ni Calandra ang dress. "Next time, try to disobey me again, hindi lang yan ang aabutin mo. Plus, don't interfere in my business, ever again." Galit nitong sabi. "Óchi i Kazzlyn mou." (Not my Kazzlyn.) Napangiti si senyorita kahit galit ito sabay iling. "You're crazy."