Transferee siya sa school namin, nung una akala ko bakla siya dahil ang puti niya tingting ang katawan at saka ang galaw niya napakalousy. Antahimik niya mahilig maglaro ng online games, pero antalino pagdating sa klase. Yung may pake siya sayo na hindi niya maexpress, yung emosyon niya na di ko mabasabasa. Naging close kami sa chat binibigyan niya ko ng pwede naming sabay mapanuod kapag wala kami magawa, ANIME madalas. Sinishare niya kung nanalo siya natalo sa LOL. Ng dahil jan naging crush ko siya. Di ko nga alam kung crush lang talaga e. Inaasar ako lagi sayo at lagi kong tinatanggi na wala akong gusto sayo, nagpapakita ka ng motibo, umaasa ako, at gusto kong manggaling sayo mismo ang sagot. Kung may pagasa bang maging TAYO.