Chapter 11

50 3 2
                                    

"ako nga, got a problem with that? And Miss Newbie, are you not taught of being courteous or polite? On the bus, I helped you twice but you did not thank me and now you didn't even greet me even if you already knew that I am your leader." Akala ko ay matanda na si Detective Conrad pero napakabata niya pala.

Sa totoo lang hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya kasi iniisip ko na magiging madali ang paghuli sa anak ni Satanas dahil nahanap at katrabaho ko pala ang sinasabi ni Dyosa Luisang 'Detective Conrad' na tutulong sa akin pero may posibilidad din na mahihirapan ako dahil mukhang hindi ito palakaibigan at parang anumang oras ay kakain ng tao.

"Oh, I forgot that you are so damn rich and most rich people don't have manners."

"So Kap bilang leader ng Intensive Crime Team 1, wala po bang welcome party para kay Miss Saffira?" ani Jay

"No need. It's already very late for that and besides she won't last anyway."

Aba't! Anong 'she won't last anyway'? Kung alam mo lang... 1 month... Kailangan kong pakisamahan ang menopausal Detective na ito sa loob ng isang buwan para magtagumpay ako sa aking misyon.

" David, wake those two up. Kailangan pa nilang magreport. " utos ni menopausal detective, in short, MD.

Inalog naman ni Dave yung dalawang natutulog kaya nagising ang mga ito.

"Will! Keith! At the back!" maowtoridad na sigaw ni MD

Agad namang tumayo ang dalawa at pumunta sa likuran, malapit sa dingding saka tumalon-talon at nag-inat-inat. Matapos ang sampong minuto ay bumalik na sila sa kanilang upuan. Dun ko napansin na ako lang pala ang nakatayo.

Bakit ba palaging walang upuan?

"Ahmm" si Jay ang nakapansin sa akin

"So Keith and Will, are you a--"

"Kap, saan nga pala uupo si Miss Saffira?" pagsingit ni Jay sa sinasabi ni MD

"She can sit wherever she wants."

Kahit saan ko daw gustuhin?

"As I was saying, are you able to do what I tasked you to?"

Isa lang ang bakante, ang upuan ni MD dahil nasa harap ito ng white board at nakatalikod sa akin. Wala namang masama kung uupo ako sa upuan niya diba? Tutal bakante naman at sabi niya kahit saan ko gusto.

Naupo na ako't wala naman siyang sinabi o baka hindi pa niya napapansin?

"Miss Saffira" mahinang bulong ng kung sino, nang hanapin ko ito ay si Jay pala. Todo kumpas ang kamay niya ngunit hindi ko maintindihan ang nais niyang ipahiwatig.

"Yes, Kap and we found out and listed all those shows, movies, dramas, news, songs and all that is aired on TV  this week." - Will

"Are you sure na wala kayong namiss?" - MD

"Ako, Kap! Miss ko na siya." - Jay
Walang pumansin kay Jay.

"Yes, Kap! We checked multiple times." - Keith

"Okay, so where is the list?" - MD

"Nakay David na Kap, he is compiling it already para dalhin lang natin kay Dr.Marcus mamaya." - Keith

"Good job both of you! You can continue your sleep and we will wake you up when we will go see Dr. Marcus." - MD, tapos uupo na sana siya nang makita niya na nakaupo ako sa upuan niya.

"Why are you there?" - MD

"Dahil wala na pong upuan"

"And you choose to sit there? That's my seat!"

"Pagmamay-ari mo ba 'to? Binayaran mo ba to? Pera mo ba? at saka iniwan mo ba ang puwet mo sa upuang ito?"

"BWAHAAHAHA" malalakas na tawa ni Jay

"Oo nga naman Kap. You left remember?Ay parang drama lang yun ah haha" - Jay

"Just sit on the floor will you?" - MD

"Kasali din ako dito. Kaya bakit ako uupo sa sahig habang kayo ay komportableng nakaupo?"

"Arggg, Jay! Go and get her chair and desk!" - MD

"Pero hindi pa nagawa yung kanya, Kap!" - Jay

"Basta kunin mo! Bahala siya." - MD

Muli akong binalingan nito ng tingin saka....

"ALIS NA!!!" - MD

"OO NA! MD!" saka ako padabog na tumayo't umalis sa upuan niya.

"MD??" - MD

"MD for Mister Detective" ayokong galitin pa siya lalo baka tanggalin na ako sa trabaho. Nakakainis kasi ang ugali niya parang laging nireregla. Paano kaya siya natagalan ng team niya?

Krisanta Samira in 2030Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon