Chapter 10

60 6 4
                                    

HER POV

"The Intensive Crime Team 1 of Manila Metropolitan Police Force have arrested their prime suspect yesterday at 11:12 am but immediately released him and the police force are currently keeping him in custody. The suspect turned to be a witness and his identity is kept as a secret for his safety. We are informed that the witness spilled an information that is helpful to solve the Takiyo murder case and that information is considered top secret by the police force. They will officially release a statement regarding it when they already solved the case. "

" Ano ba naman yan! Ako lang ba ang nag-iisip na serial case ito? Parehong-pareho kaya sa Malaya Homicide. " Rinig kong reklamo ni Kira.

Nagsimula na nga. Nalagas na ang petalo ng dalawang pulang rosas. Dawalang inosenteng dalaga na ang inagawan ng buhay. Nalulungkot ako na sa oras ng paghihirap nila ay wala man lang akong nagawa kundi ang mag-aral.

Ngayon ang araw na papasok ako sa trabaho. Sa tingin ko ay sapat na ang mga kaalamang nalaman ko sa taon na ito. Gustong-gusto ko nang kumilos bago pa madagdagan ang dalawang rosas na nalagas.

"Ma'am, halina po at kain na kayo." pagyaya ni Kira

Habang kumakain ay panay ang titig ni Kira sa akin.

"Ma'am, sure po ba kayo na kaya niyo nang magtrabaho? Sapat na po ba ang kaalaman ninyo?"

"Oo, Kira. Nakakahiya naman kung habaan ko pa."

"Sabagay.. Ahh! Ma'am! Hindi pa po naaayos yung kotse ninyo."

"Magcocommute na lang ako, Kira. Ano nga ulit yung pagtratrabahuan ko?"

"Sa Manila Metropolitan Police Force, sabihin niyo lang po ma'am sa taxi driver yan at ihahatid na niya kayo doon."

At ngayon nga ay nandito sa waiting area at naghihintay ng taxi pero puro may nakasakay kaya wala akong nagawa kundi ang sumakay na lamang sa dambuhalang sasakyan, sa pagkakaalam ko ay 'bus' ang tawag nila dito, pareho kase sa litratong pinakita ng tagapagturo.

Gaya nga ng sabi ni Kira ay sinabi ko lang ang pangalan ng working area ko sa mamang nagmamaneho.

"Manila Metropolitan Police Force" may mali ba sa sinabi ko? Bakit parang walang ideya si manong?

"Ahh, dun ang punta mo iha? Sige hanap ka na ng mauupuan mo. " sabi ni manong

"Salamat po, manong." tumalikod na ako't lalakad na sana para humanap ng mauupuan ng muling magsalita si manong.

"Iha, yung pamasahe mo." sabay tingin ni kuya sa paglalagyan ata ng pamasahe, may butas eh. Hinulog ko ang baryamg meron ako saka akmang magpapatuloy sa paglalakad. Mababakas ang pagkagulat sa mukha ni manong at may narinig akong tumawa sa mga pasahero. Bakit kaya?

"huh?" ano ba tong si manong.

"Manong, I already paid for two people." sabi ng nasa likuran ko saka ito naglakad na para umupo. May nakapila pala. Ano nga yung ginawa nung lalaki kanina? Hindi sa naghulog ng pera sa pinaghulugan ko. May itinapat lang siya sa kung anong machine. Tama ba? Yun ang sabi ni Kira na tawag sa mga panibagong imbensyon ngayon. Nung nagbeep yunb machine saka niya tinanggal yung maliit nq papel na may sulat na tinapat niya at itinapat ulit. Tapos umalis na. Yun na yun?

“ Manong, pwede pong barya na lang pambayad ko wala kasi akong ganun. Yung maliit na papel. Wala akong ganun.”

"Huwag na iha. Bayad na yung sayo."

Akin pala yung binayaran nung lalaki kanina.

Nang igala ko ang aking paningin ay wala nang bakanteng upuan! At ang iba ay nakatayo na sa gitna. Ginaya ko ang ginagawa nila at nakitayo narin habang nakahawak sa hawakan.

Krisanta Samira in 2030Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon