Chapter 2

86 22 3
                                    

His POV

"Marami ang nasiyahan sa kasalang naganap kahapon lamang, ang magarbong kasalan nina Voltaire Sylvo, ang nag-iisang anak ng presidente at Shahani Fiero, isang sikat na modelo. Ngunit kasunod ng kasal ay naganap ang hindi inaasahang pangyayari, ang gabi sanang magiging honeymoon ng newly wed couple ay nauwi sa isang aksidente. Ayon sa panayam kay Mr. Voltaire, on the way na sila sa bago nilang bahay nang biglang nawalan ng preno ang sasakyang gamit nila dahilan ng pagsalpok ng sasakyan sa malaking puno. Nagtamo si Mrs. Sylvo ng mumunting sugat dala ng aksidente. Kasalukuyan na itong nagpapagaling. Tumangging magbigay ng pahayag si Mrs. Sylvo. Hindi na pinalala pa ang isyu dahil ayon kay Mr.Voltaire, hindi naman malala ang sugat na natamo nila at may kalumaan na din ang kotseng ginamit, dagdag pa nito ay ayaw nilang makaabala dahil maraming mas seryosong kaso ang dapat pagtuunan ng pansin..."

Ito ang naririnig ko habang kumakain ako dito sa Mami House. Kung ako ang tatanungin bilang detective, ang tanging masasabi ko lang ay may hindi tama. Kataka-taka ang agad na pagsara sa kaso, dagdag pa na ang mismong biktima ang nag-utos nito. Alam kong nagsisinungaling ito ng sinabi niyang may kalumaan ang kotseng ginamit nila, kahit saang anggulo ko pa tingnan ay mali talaga, come to think of it, he is the only son of the President and he will use an old car? Especially during their honeymoon? Something's not right. Bakit hindi man lang nagpa-interview ang kanyang asawa?

Maraming tanong ang agad ang nabuo sa utak ko pagkarinig sa balita ngunit isinawalang-bahala ko na lang.

"Umiiral na naman ang mapanuri mong pag-iisip, Reevo. Lahat na lang ng naririnig o nakikita mo ay kahina-hinala." sigaw ng isip ko

Baka nga totoo ang pahayag ni Voltaire o baka hindi?

"Totoo man o hindi, wala ka na dun. Isinara na nga diba? Tsaka may kaso ka pang lulutasin." muling sigaw ng isip ko.

Tama! Hayaan na lang. Bakit ko ba kasi prinoproblema yun? Hayst. Nagpatuloy na lamang ako sa paglasap sa mami.

"Team Leader Conrad, kanina ka pa hinahanap ni Chief." humahangos na sabi ni Detective David nang makalapit ito sa kinaroroonan ko, kasama ko siya sa Intense Crime Team.

"Sige, Detective David, mauna ka na, susunod ako, babayaran ko lang itong kinain ko."

I'm Reevo Conrad, the youngest team leader among all the team leaders of Manila Metropolitan Police Force and I'm leading the Intense Crime Team 1. Intense Crime has five teams because this compasses the crimes such as murder, rape and other severe crimes and Intense Crime Team has the highest numbers of cases.

I'm on the way to Chief Dalton's office when I passed Intense Crime Team 1's room, my team's room. I overheard team talking.

"Ano kaya ang sasabihin ni Chief kay team leader?"

"Ewan ko! Tanungin mo kaya siya!"

"Tungkol kaya iyon sa kasong hahawakan niya mag-isa?"

"Sabi nang ewan namin! Tanungin mo siya!" hindi sila pinakialaman ng dalawa pa naming kateam.

Anong kasong hahawakan ko mag-isa? Hindi naman puwedeng maging independent ang isang detective especially if you are going to handle a hard case incase you're a genius. To solve a case, more heads and more hands are better than one

Nagpatuloy na ako sa pupuntahan ko.

Nasa harap ako ng bakal na pintuan nang kusa itong umilaw ng pula. Sinusuri ako nito. Makalipas ang ilang segundo ay naging asul ang kulay nito at may nakasulat na 'Safe' saka kusang bumukas ang pinto.

Tumuloy na ako at nadatnan ko si Chief na nanonood ng balita sa salamin ng bintana ng kanyang room. Isa ito sa bagong imbensyon ngayong 2030.

"Ngayon lamang alas-otso ng umaga ay natagpuan ang isang bangkay ng babae dito sa probinsya ng Malaya. Nakasilid ang katawan nito sa isang sako at durog ang ulo kaya hindi mawari kung sino siya. Pinadala na ang DNA nito sa Forensic Department para alamin ang katauhan nito. Manatiling nakatutok sa update."

Krisanta Samira in 2030Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon